Problematic Natan (POV) Binyag ng aking mga apat na anak at may isang Ninong na hindi bukas sa loob ko na gawin siyang kumpare. Pero wala akong magagawa dahil kagustuhan ito ng mahal ko. Mas lalong nainis pa ako dahil napakadali sa kanya na pahintuin ang anak kong babae sa kanyang pag iyak. Dahil sa kanya ay hindi masyadong stress ang asawa ko at may oras pa kami na humarap sa mga bisita. Masakit lang sa loob dahil ako ang ama pero sa ibang tao siya gustong mag pabuhat at napakadali niyang tumawa. Simula noon ay lagi na si Ryan sa bahay o di kaya ay ang anak kong si Autumn ang nasa bahay nila. Kahit inaanak niya ang aking anak ay pinasubay bayan ko parin siya. Napatuyan ko naman na inaalagaan niya ng husto ang anak ko dahil kahit sa opisina niya ay dinadala niya ito na parang anak. Nag

