Ryan (POV) Malungkot ako ng bumaba ang mahal ko sasakyan, napatingin na lang ako sa tatlo kong anak na tahimik na kinakagat ang kanilang mga laruan. They are so adorable. "Tayo po." Sabi ko sa driver nina kuya Natan ng nakapasok na ang mahal ko sa gate. Ilang minuto lang ay papasok na kami sa gate ng bahay. Hindi ko pinasakay sila ng stroller binuhat ko ang dalawa kong anak na babae at ang isang Yaya ang bumuhat kay Jr. Nag doorbell ang isang yaya ng mga anak ko, ang nagbukas ay si Manang na halos pasukan ng langaw ang bunganga niya sa gulat dahil may mga hawak ako na bata. "Por dios anak, mag aampon ka ba ng mga bata?" Malakas na sambit niya at lumabas si Yaya mula sa kusina. Pati din siya ay nagulat lalo nang makita niya ang Jr. ko. "Manang, kamukha ni Ryan itong isa noong baby pa

