HALOS mabingi na lamang si Rafael nang tawagin ang pangalan niya. Napuno ng masigabong palakpakan at hiyawan ang buong venue. Napatanong siya sa sarili niya kung ano na ang nangyayari dahil hindi niya naulinigan ng sapat ang anunsyo ng emcee. "Rafa, move forward! Congrats!" Impit na bulong sa kanya ni Felicy na mukhang narinig ang lahat. Teary-eyed pa nga ito nang tingnan ni Rafael. Masaya siya para sa kaibigan niya. Napakibit-balikat ang binata saka alanganing nagpunta sa harap. "How does it feels to win in an international competition, Mr. Mortelli?" tanong sa kanya ng emcee. Doon na mas naging klaro kay Rafael ang lahat. He is the winner! He won! Isang sabak lang iyon pero nasungkit niya ang tituto! Gustong maghihiyaw ng isip niya. But he chose to compose himself. Hindi sapat ang mg

