CHAPTER 2

1102 Words
"When we say, noun—this talks about the name of people, places, or things," pagpapaliwanag ni Ysabel sa kanyang mga estudyante ngayong umaga. "Teacher, what if I say na, Jenny is pretty. Ibig sabihin po ba no'n ay noun si Jenny?" tanong ng isa sa kanyang mag-aaral na tila may simpleng pagtingin sa kaklase nito. "Ayie! Kayo ha," kantyaw ng isa sa kaklase nito. Natatawa si Ysabel sa kanyang isipan. Naalala kasi nito na sa ganitong edad rin ay humanga ito. Madalas nga lang siyang sungitan ng lalaking iyon pero kailanman ay hindi ito natinag. "Quiet, class. Tama ka, Rico. Jenny is the noun," nakangiting tugon ni Ysabel kay Rico na siyang tuwang-tuwa na tumama ang halimbawa nito. "Teka, hindi yata natutuwa si Jenny," sagot ni Ysabel sabay kantyaw sa kanyang mag-aaral. Napuno ng hiyawan at kantyawan ang buong silid samantalang ang batang si Jenny ay tila hindi natutuwa rito. Magkasalubong ang mga kilay nito at naka-cross arms pa ang mga braso. "Class, walang personalan ito, ha," paalala ni Ysabel sa mga bata. Sumang-ayon naman ang mga ito. Ganito lamang ang set-up ng kanilang klase araw-araw. Kinahapunan noong araw na iyon ay abala si Ysabel na nagligpit ng silid. Ayaw nitong mag-assign ng cleaners sa bawat araw dahil ayaw niyang pinaglilinis ang mga bata. Natutuwa kasi ito tuwing eksayted ang mga mag-aaral niyang umuwi. Malakas na buhos ng ulan ang dahilan upang dumagundong ang bubong ng silid aralan kung nasaan si Ysabel. Napabitaw ito ng isang malalim na buntong hininga sa kadahilanang wala itong dalang payong. Maya-maya pa ay isang hikbi ng isang bata ang nakakuha sa kanyang atensyon. "K-Kaye? Bakit nandito ka pa?" Nakakunot-noong tanong ni Ysabel nang silipin nito ang batang nakayuko sa labas ng silid aralan nila. "Wala pa po kasi si Kuya pogi, teacher Ysa," sagot ng batang si Kaye sa dalaga. Napangiti naman si Ysabel sa isipan dahil napakamasunurin ni Kaye. Matyaga nitong hinihintay ang kanyang sundo. "Ganoon ba, gusto mo ba samahan na kita rito?" alok ni Ysabel sa mag-aaral niyang si Kaye. "Hindi na, teacher. Parating na rin si Kuya pogi!" nakangiting sagot nito sa kanya. "Sige, sinabi mo 'yan ha." Iyon na lamang ang naging tugon ni Ysabel bago tuluyang iniwan si Kaye sa labas ng silid. Nagmamadali itong naglakad nagbabakasakaling may maabutang teacher na makakasalo nito sa payong gayong wala itong dala. Sa pagmamadali niya ay naiwan nito ang kanyang payong kanina. Maya-maya ay nakasalubong ni Ysabel ang isang lalaking balot na balot ang katawan at mukha. Bukod sa naka-long sleeves ito ay nakasuot rin ito ng sumbrero at itim na glasses, itim na mask at may dala itong malaking payong na tila may susunduin. Malapit na rin naman sana siya sa gate kaya't kinapalan nito ang kanyang mukha. "Ahm, kuya? Pwede ho bang makisilong muna kahit palabas lang ng gate?" tanong nito sa estrangherong lalaki. Tinapunan siya ng tingin ng lalaki at ngumisi ito sa kanya. Nagsitindigan naman ang kanyang balahibo sa ngiting iyon kahit na natatabunan ito ng mask. Aatras na sana siya pero bigla siyang inakbayan ng lalaki at hinila papunta sa pupuntahan nito. "T-Teka, bakit ako babalik? Malapit na ako sa gate, eh," wika ng dalaga na nag-aalangan pa sana pero malakas ang lalaki kaya't wala nang nagawa si Ysabel kung hindi sumunod na lang. Namilog ang magagandang mata ni Ysabel nang makitang patungo sila sa direksyon kung saan naroroon si Kaye na naghihintay sa labas ng silid nito. "Kuya pogi!" masigla at tuwang-tuwang ekspresyon ni Kaye nang makita ang lalaki. Ito pala ang kuya pogi na sinasabi ng kanyang mag-aaral na si Kaye. "Teacher Ysa, kasama niyo pala si Kuya pogi. Magkakilala kayo?" tanong ng bata habang naglalakad na sila palabas. Wala namang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ng lalaki. "Ah, eh," tanging naisagot ni Ysabel kay Kaye. Tinahak na nga nila Ysabel, Kaye, at ng lalaki ang daan papalabas ng paaralan. Malakas pa rin ang buhos ng ulan kaya kahit may payong pa ay basa pa rin silang tatlo bago nakarating sa kotseng nakaparada sa parking lot ng paaralan. Napataas ang kilay ni Ysabel nang pag-aralang mabuti ang sasakyang kanilang hinintuan. Pinapasok ng lalaki si Kaye sa loob habang si Ysabel ay sinilip ng bahagya ang plaka nito. Halos magsi-akyatan ang dugo nito sa ulo nang makumpirmang ito ang sasakyang nakatalsik ng putik sa kanya noong isang araw. Nagtagis ang kanyang mga ngipin sa panggigigil dahil tadhana na talaga mismo ang nagdala sa kanya sa sasakyang ito nang hindi niya hinahanap. "Teka, sandali," anito pa. Kasalukuyan pa rin silang magkasalo sa isnag payong ng lalaking iyon. Napataas naman ang kilay ng lalaki sa inasal ni Ysabel. Bigla kasi itong nagkaroon ng tiger look. "What, Miss?" kyuryosong tanong ng lalaki. "What mo mukha mo! Ikaw iyong drayber ng kotseng ito na tinalsikan lang naman ng putik ang uniporme ko kahapon!" bulyaw ng dalaga sa lalaki habang nakapamewang at nakataas ang kilay. "Oh, sorry, Miss. I had no idea," maang-maangang sagot nito. Pero sa totoo lamang ay alam nitong natalsikan niya talaga ng putik ang dalaga kahapon pero hindi niya manlang ito tinigilan upang humingi ng tawad. Pilyo kasi ito at mukhang balak pang inisin ang dalaga. "You had no idea? Eh, kung dalhin ko kaya sa iyo ngayon ang uniporme kong dinumihan mo, nang malabhan mo!" pasigaw na sabi ng dalaga na tila hinahamon ng away ang lalaki. "Oh, please, not now. Are you getting in the car or not?" nakangising tanong ng binata kay Ysabel na tila inaasar pa ito. "Solohin mo ang kotse mong bulok, katulad ng ugali mo!" Tanging naibulalas ni Ysabel bago nagmatapang na maglakad sa ilalim ng ulan. Hinubad nito ang kanyang takong at sinimulang lakarin ang maputik at mabatong daan pauwi sa kanila. Napailing-iling na lamang ang lalaki sa inasal ng dalaga. Iniisip nitong isa siyang Mortelli kaya hindi siya dapat nasisindak sa isang babae lang. Oo, isa siyang Mortelli. Siya si Rafael "Rafa" Mortelli. Maingat na binagtas ni Ysabel ang daan pauwi. Inis na inis ito sa inasal ng binata kanina lang dahil maang-maangan pa ito. Hindi niya kasi inaasahang ngayon pa talaga sila magkikita. Hindi manlang niya nakita ang pagmumukha nito nang mailagay niya sa blacklist niya. Harurot ng kotse na naman ang nakapagpalingon muli kay Ysabel. Sa bilis ng pagpapatakbo ng n'on ay naputikan na naman ang uniporme ni nito. Sinadya iyon. Alam niya ito sa kanyang sarili. Iisang kotse at iisang drayber lang ang may gawa. "Hoy!!" Nanggagalaiting sigaw ni Ysabel. Nakita na lamang niyang inilabas ng lalaki ang kanyang isang kamay sa bintana ng kotse saka kumaway sa kanya. Sinusubukan talaga nito ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD