Masamang nagkatitigan sina Ysabel at Rafael. Kahit iisa lang ang dapat nilang gawin ay magkaiba pa sila ng sangkalan. Nagtadtad ng sibuyas si Ysa samantalang si Rafael naman ang tiga dikdik ng bawang. Maya-maya pa ay narinig na ng binata ang pagsinghot-singhot ni Ysabel. Akala niya ay umiiyak ito kaya bahagya siyang napatigil sa pagdidikdik niya ng bawang saka niya sinilip ang ginagawa ng dalaga. Simple niya lang iyong ginawa. And he saw her crying. "Hey! Why are you crying?" kunot-noo na tanong nito. Hindi niya maipaliwanag but he sounded concern nang tanungin niya iyon. He felt a suddeng concern para kay Ysa kaya gano'n na lang ito kung maka-check sa kanya nang akala niya ay umiiyak ito. "Are you okay?" sunod pa niyang tanong nang mapansin nagpunas ng luha si Ysa. Sinamaan siya nito

