HINDI makapaniwala si Ysabel na mabilis na mapapalitan ang relationship status niya from in a relationship to finally engaged. Kailangan na niyang ihanda ang mahaba niyang explanation sa nanay niya dahil hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito kapag pag-uwi nila at nalaman nito na engaged na ang bunso niya. Umalis siyang may nobyo lang, tapos uuwi nang engaged. Mapapa sana all ka na lang talaga sa isang Ysabel Cuevas. Kung mayroon mang may mahabang buhok ay siya na siguro iyon. Sinulit nila ni Rafael ang dalawang araw nila sa private resort ng mga Mortelli. Pauwi na rin sila ngayon pabalik ng Estrella. Excited at tila kinakabahan pa siya sa pag-uwi niya dahil sa hindi nya kayang hulaan sa isip niya kung ano ang magiging reaksyon ng nanay ni Ysa kapag nalaman na nito ang dahil

