NAGKASIYAHAN na ang lahat sa simpleng selebrasyon ng kaarawan ni Ysabel. Naroon din sina Don Ramon kasama ang mga body guards nito. Hindi naman puwedeng hindi nila ito imbitahin dahil utang rin naman nila kay Don Ramon ang lahat. Pero si Rafael ay nakabusangot at tila wala sa mood kaya naman nilapitan siya ni Randolf. "Dude, may beer doon. Bakit tila balisa ka naman dyan?" Saway nito sa kakambal niya na tahimik sa isang sulok. "Don't touch me. I saw you hug her awhile ago." Nagitla pa si Randolf pero agad rin siyang napahalakhak. Tuloy dahil doon ay mas lalong nainis si Rafa. "Why are you laughing? May nakakatawa ba sa mga sinabi ko, ha?" "Wala! Napakaseloso mo talaga, ano? You know, dude, nag-usap lang kami saglit ni Ysabel. At ang mga yakap na 'yon? Wala lang 'yon. Ano ka ba. Pagpa

