TRES "Anak! May isang box sa pinto, para sa'yo raw ito!" sigaw ni Mama mula sa pinto. Nasa kusina kasi ako kumakain. Agad akong pumunta sa pinto. "Mama, sino raw po ang sender?" "Si Uno raw anak, nanliligaw ba siya sa'yo? Hahaha!" "Mama hindi po! Uhm, Mama nasaan po si Daddy?" "Nasa mga co-workers niya, sige na anak buksan mo na 'yan." Agad kong binuksan ang isang box, bumungad sa akin ang isang ninja armor, nalaman ko na ninja armor dahil may nakalagay sa papel. Nang inangat ko ang isang papel ay may laman na black jacket, black trousers, light sandals, and a hooded cowl. Wow! Ninja na pala ako ngayon? Hehe! Agad akong umakyat sa kwarto ko. Pagkabihis ko ay tumingin ako sa salamin, tanging mata ko lang ang nakikita. Hindi ko kilala si Thirs, hindi ko alam kung paano siya gumalaw o

