TRES Sa isang buwan naming pagte-training ay handa na kami ni Thirstein. Parehas kaming naka-ninja outfit. "Thirstein, wala ba talaga tayong dalang gamit o kahit pamalo lang sa mga dayuhan?" "Babaliin natin ang buto nila gamit ang mga kamay natin." "Sa tingin mo ba ay kakayanin natin?!" "Ako oo pero ikaw na lampa ay hindi," "Ano?!" "Ang ingay mo," "Binababa mo kasi ang self confidence ko. Hindi porke mas malakas ka sa akin ay p'wede mo nang sabihin ang mga gusto mo. Iba ako sa'yo, maaaring hindi ako kasing lakas mo pero ako ay malakas ang paniniwala sa sarili ko hindi dahil sa magaling ako, iyon ay dahil sa nananatili akong mapagkumbaba." "Tapos ka na? We need to go na para maging look out sa isang mansyon kung saan nagbabakasyon ang mga dayuhan." seryosong saad niya sabay naglaka

