UNO "Aking ama? Bakit po mayroon kang kulay itim sa mukha?" pagtataka ni Unthier. Nasa lamesa kami ngayong apat habang kaharap ang mga pagkain na aming niluto ni Thirstein. "Oo nga po," Thiersna agreed. "Mga anak, hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa inyo," Thirs whispered. "Mga anak, kapag sinabi ko ba sa inyo ang katotohanan ay maiintindihan niyo?" "Opo!" Unthier shouted. My daughter just nodded. "Ganito kasi 'yan, may ilang tao ang nagplano para bugbugin ako. Kahit naman ganun... hindi na ako galit sa kanila kasi wala namang nangyaring masama sa Mama niyo." "Ganun po ba Papa? Naaawa naman ako sa mga tao na 'yun sapagkat hindi nila hinahayaan ang kanilang sarili na maging mabuti." Unthier replied. "Tama ka brother, sana ay hindi na nila ginawa sa'yo 'yun Papa. Sana a

