TRES Nagising ako dahil maingay sa baba. Bumaba ako agad, nakita ko si Truz na may kahalikan na babae... sino siya? Totoo ba ito o panaginip? Dahan-dahan akong umakyat. Well, sino ba naman ako para awatin sila? Truz also deserve someone na mapapasaya siya at hindi ako 'yun. Sino naman 'yung babae? Hindi ko kasi masyadong maaninag dahil madilim ang paligid. Sana ay huwag magalit sa akin ang babae, wala naman akong intent na agawin sa kanya si Truz. Pagkatingin ko sa cellphone ko ay 9 a.m na pala. In short, hindi ako nakatulog kakaisip kung sino si girl. Siguro ay nasa baba pa sila. Bakit hindi sila nag-hotel? Hay naku. Pero Truz, kahit hindi natin mahal ang isat-isa ay sana ay hindi ka nagtaksil, kasalanan kasi 'yun. Ang pagpapakasal ay hindi free trial, pero wala akong magagawa dahil co

