TRES Wala na kami sa italy. Nandito na kami ngayon sa elegant bodega ni Ex kasama si Thirstein at si Uno na kanina pa nakatingin sa kanya. "Ano?! Ikaw pala si rank one?!" galit na sigaw ni Ex sa step sister niyang si Thirstein. Nakatitig lang ako kay Thirs... grabe, nakakatakot talaga siya. Tsaka bakit ganun? Wala siyang emosyon. "Sa tingin mo ba hindi? O hindi mo matanggap dahil mas magaling ako sa'yo?" "F*ck! Pasalamat ka anak ka rin ng big boss. Tsaka wala naman akong galit, kapatid pa rin kita." "Gusto ko na makita ni Uno at ng katulong niya ang laban natin, p'wede ba tayong maglaban?" "Hindi ako katulong!" pagpipigil na sigaw ko. Tumitig lang naman sa akin si Thirs sabay nilagpasan ako nang tingin. She is weird, pero ang lakas ng dating. Nagulat ako nang bumwelo si Thirs sabay

