TRES May nadaanan akong bar malapit sa bahay ni lola kaya naman pumasok muna ako. May bar pala rito? Sakto dahil broken ang puso ko, wasak pa ang pagkatao. Nasa loob na ako ng bar. May apat na lalaki ang lumapit sa akin sabay 'yung isa ay hinawakan ako sa bewang. "Hi Miss!" bulong ng lalaki. Ang ingay kasi sa loob. Mabuti nalang dahil mabango ang hininga niya pero naamoy ko ang mabaho niyang pagkatao. Nagulat ako nang idiin niya ang kamay niya sa bewang ko. Umatras ako sabay sinipa ko siya sa ulo. "Hindi ako Miss, Mrs. na, I'm Mrs. Co." "Ouch! Kung makasipa ka ay para kang kabayo! Teka... a-ano? Huwag mong sabihin sa akin na asawa ka ni Truz Co?" gulat na tanong niya sabay lumayo sa akin. "Yes, may idadagdag ka pa ba?" "W-wala, sige enjoy!" Umalis silang tatlo. Nagulat ako nang m

