TRES Pakiramdam ko ay tinatamad akong bumangon. Bigla namang bumukas ang pinto... "Anak, your Daddy is preparing for the engagement party..." "What?!" napatayo ako sa gulat. "Anak... wala rin akong magagawa," "Lagi naman Mama, kailan ka ba may nagawa para sa akin? 'Di ba dati ay palagi mong inuuna si Ate Dos kahit hindi mo siya anak?!" "I'm sorry Tres!" umiyak nang umiyak si Mama. Umupo lang ako sa kama sabay tumulala. "Mama tell me, kaya ba ako gustong maipakasal ni Daddy sa anak ng kumpare niya for business ay dahil sa ginagantihan niya ako dahil ako ang dahilan kung bakit nawala ang anak niya?" "Anak... aaminin ko na may bad side ang Daddy mo, pero anak alam kong mahal ka niya," "Kung mahal niya ako bakit niya ako ipapakasal sa lalaking hindi ko mahal?! At sa lalaking hindi ko

