One month after… Isang buwan ang nakalipas, naging maayos na ang pamumuhay ng mga Greyson at Vergara. Bumalik sa dati ang lahat, katulad ng kanilang nakaugalian. Ang nagbago lamang roon ay si Trina. Madalas itong naging masungit, lalo na kay Damien. Marahil dahil iyon sa mood swings ng dalaga kaya sa tuwing nakikita nito si Damien ay kung anu-ano na lang ang ipapautos nito para lumayo lang ang binata sa kaniya. Buntis na ng tatlong buwan si Trina kaya naman nasa kasagsagan pa lamang siya ng paglilihi, at mukhang si Damien nga ang kaniyang napaglihian. Isang umaga nagising na lamang si Trina na gusto niyang makita si Damien. At dahil hindi sila magkasama sa iisang bahay dahil sa hindi pa pumapayag ang daddy niya, ay nagpatayo ito ng sariling bahay sa katabing lote lamang ng kanilang mans

