"Ano ba tama na yan." galit na hinablot na ni Ivan ang bote ng alak na tinutungga na ni Dale. "Wag mo akong paki-alaman kasalanan mo itong lahat! Sana hindi mo na lang sinabi sa akin, sana hindi ako umasa na ako ang ama ni Lionel. Hindi sana masakit dito." hikbi ni Dale na sinuktok ang dibdib habang napapaluha. "Pero paanong naging si Doel, nasa sahig si Doel ikaw ang nasa kama ng mapatingin ako sa inyo, naka boxer si Doel ikaw ang talop na talop kaya paanong nangyari na si Doel ang ama.' nalilitong turan ni Ivan na napapaisip din ng malalim kanina pa, hindi s'ya sigurado pero kung angulo ang pag-uusapan malinaw na malaki ang possibilidad na si Dale ang ama ng bata kaya paanong nangyari na si Doel, ano yun after mag s*x ng mga ito nakapag bihis pa ito ng boxer e pagkalaglag nito sa sa

