Episode 66- Wedding

1362 Words

"Para kang mag cocollapse, sabihin mo lang kuya ako mag poproxy sayo." bulong ni Doel sa kapatid na halatang kabado dahil panay ang hinga nito ng malalim sabay bubuga ng hangin. Masama naman ang tingin ang ipinukol ni Dale sa kapatid, na ngumiti lang na nag peace sign. "Ito naman hindi na ma joke, kalma lang kasi kuya. Gusto mo ako pa mag kasal sa inyo e." biro ni Doel ng mapatingin naman sa mga bisita ng marinig na may na sit-sit sa kanila. Siniko naman ni Doel ang kapatid sabay ngiwi habang nakatingin sa isang dalaga na anak ng kaibigan ng papa nila. "Bakit ba?" inis na lingon ni Dale sa kapatid. "Yung anak ni Ninong Sky, may sakit bang epilepsy?" kumunot ang noo na nag salubong pa ang kilay ni Dale. "Sinong anak?" ininguso naman ni Doel ang dalagang anak ng kaibigan ng papa nila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD