"Para ka namang bata." ani Kate habang naka yakap sa bewang n'ya ang asawa naka-upo sa kama habang s'ya ay naka tayo. Nakasubsob sa tiyan n'ya si Dale at umiiyak. Isinuklay ni Katelyn ang mag daliri sa buhok ng asawa habang sinasabayan ng haplos nakakaramdam s'ya ng awa kay Dale. Ramdam niya ang takot na sinasabi nito sa iyak ng asawa, kaya hinayaan na lang muna n'ya itong umiyak habang nakayakap sa kanya. "Walang mangyayaring masama sa akin, wala ka bang tiwala sa akin." nag-angat ng mukha si Dale habang nakatuon ang baba sa tiyan n'ya. "Gusto mo dun ka na lang din manganak sa hospital nila Tito Sevy sa US, dun na nganak si Athena." "Mahal yata dun. Ang laki na ng gastos mo sa akin tama na kaya ko naman na dito," umiling si Dale. "Stockholder dun si Daddy kaya discounted tayo saka mar

