"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" galit na tanong ng Lola Lucille n'ya ng maging biglaan bisita n'ya ito sa bahay nila ni Dale. Wala pa naman si Dale dahil kinailangan nitong umalis sandali dahil may problema sa hotel na ito ang kailangan. Sinabi naman n'yang okay lang s'ya at matutulog lang naman s'ya. May mga kasama naman silang mga katulong at may nurse na din itong kumuha para pansamantalang umaalalay rito sa tuwing na alis ang asawa. "Una hinayaan mong lapain ng aso ang ate mo at hinayaan mo pa s'yang makulong ngayon naman tinutulungan mo ang mga kriminal na pumatay sa mga magulang mo. Anong klaseng demonyo ka!" galit na sigaw nito sa kanya na tinawanan lang ni Kate. "Anong klaseng demonyo ako? Bakit hindi n'yo itanong sa sarili n'yo." "Pinatay nila ang magulang mo tapos tunutul

