Kylie
Naalimpungatan ako nang dahil sa dalawang pamilyar na boses na naririnig kong nag-uusap at nagtatalo base na rin sa tono ng kanilang pananalita. Dahil dito ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at inilibot ang tingin sa paligid. Nagsalubong ang kilay ko nang mapansin na nandito ako sa loob ng kuwarto ko.
What the hell happened?
Hanggang sa tumuon ang mga mata ko sa nakabukas na balkonahe ng kuwarto ko. Doon ay namataan ko si Papa na kausap si Caleb. Parehong seryoso ang ekspresyon ng kanilang mga mukha na mayroon ding bahid ng pag-aalala.
“Pa...” mahinang tawag ko kay Papa. Halos pabulong lang ’yon kaya alam kong hindi niya maririnig. Tila hinang-hina kasi ako sa hindi ko malaman na kadahilanan.
Ngunit sa pagtataka ko ay marahas na lumingon si Caleb sa direksyon ko dahilan para malipat din sa ’kin ang atensyon ni Papa. Dali-dali naman nila akong nilapitan.
“Kumusta na ang pakiramdam mo, anak?” nag-aalalang tanong ni Papa bago mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
Napaiwas ako ng tingin. Kung hindi ako nagkakamali ay ngayon ko na lang ulit siya nakitaan ng pag-aalala na may kinalaman sa ’kin.
“I’m fine. Medyo masakit lang po ang ulo ko ngayon. Ano po ba ang nangyari?”
Dahan-dahan akong bumangon habang sapo ang ulo ko at pilit na inaalala ang mga nangyari. Mabilis naman akong inalalayan ni Papa.
“The mysterious serial killer in town attacked you while you were on your way to the university. Hindi mo ba naaalala?” paliwanag ni Papa.
Mas lalo naman akong naguluhan nang dahil sa sinabi niya. Now that he mentioned it, I finally remember that I was on my way to the university earlier. Pero bukod doon ay wala na akong iba pang maalala.
“What? But I don’t remember such an incident,” nagtataka kong sambit.
“Maybe it’s due to the shock or trauma; that’s why you don’t remember everything that happened.” Mahina niyang tinapik-tapik ang kamay ko. “For now, just take some rest. I still have some things to do regarding that incident.”
Tumayo na siya at hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko bago tuluyang lumabas ng kuwarto.
Ngunit hanggang sa pagsara niya ng pinto ay nakatulala lang ako sa kawalan. Hindi ko mawari kung bakit ba palagi na lang ata akong nawawalan ng malay nitong mga nakaraang araw?
Mariin kong ipinagdikit ang mga labi. Nasisiguro ko na may hindi tama sa mga nangyayari at mayroon akong hindi pa nalalaman.
Napatingin naman ako kay Caleb na nananatili lang na nakatayo sa paanan ng kama ko. Ngayon ko lang napagtanto na magmula ng dumating siya sa buhay namin ay kung anu-anong klase ng kababalaghan na ang nangyayari.
“What happened? Did we really encounter the killer?” I asked curiously.
He nodded. “Yeah. But I managed to turn him down before he could do something to you.”
Napaawang ang bibig ko. Bakit hindi ko maalala ang pangyayaring ’yon?
“Did he finally get arrested and put in jail already?” naniniguro kong tanong.
Matiim niya akong tinitigan. “I put him in the place that he deserves.” Napaayos siya ng tayo. “Are you feeling hungry? I can get something for you,” pag-iiba niya ng usapan.
Napataas ako ng kilay. “Bukod ba sa pagiging personal bodyguard ay personal maid na rin kita?”
Nagkibit balikat lang ang loko.
Naiiling na bumaba na ako ng kama. Agad naman niya akong nilapitan at akmang aalalayan niya ako nang mabilis kong iwinaksi ang kamay niya.
“Kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kailangan ang tulong mo.”
Nagbigay naman siya ng kaunting distansya sa pagitan naming dalawa. Nang magsimula akong maglakad ay wala sa loob na natuon ang atensyon ko sa suot niyang kuwintas. Hindi ko sigurado kung suot din niya ito noong mga nakaraang araw.
Pero ngayon ko lang ito napansin. Ang kaso lang ay hindi ko makita ang pendant nito dahil nakapaloob ’yon sa suot niyang polo.
Sa isang iglap ay may mga eksena na biglang pumasok sa isipan ko. Malabo ang mga imahe pero nasisiguro ko na isang lalaki at babae ang nakikita ko habang nakatayo sila sa harap ng altar. They’re exchanging their vows and rings.
Hanggang sa mapapikit ako at makaramdam ng hilo dahilan para mawalan ako ng balanse. Mabuti na lang at sa ibabaw ng kama ako bumagsak.
Ang kaso lang ay napahawak ako sa suot na suit ni Caleb kung kaya naman ay nahila ko rin siya at kasabay na nahulog.
Pakiramdam ko ay biglang nanigas ang katawan ko at nanlaki na lang ang mga mata ko habang nakatuon ito sa gulat din niyang mukha.
Paano ba naman kaming hindi magugulat? Naglapat lang naman ang mga labi naming dalawa!
And this is even my first kiss!
Nang makabawi sa pagkakabigla ay malakas ko siyang itinulak palayo.
Pinunasan ko naman ang mga labi ko at sinamaan siya ng tingin. “How dare you steal my first kiss?”
He looked at me in disbelief. “Just in case you forgot as well, you’re the one who pulled me with you. You have a nice strategy back there.”
Malakas akong napasinghap. Iniisip ba niya na sinadya ko ang nangyari? Ang kapal ng panga niya, hah!
“In your dreams!”
Inayos niya ang suot na suit bago naglakad patungo sa pinto na para bang walang nangyari. Pero bago pa man siya tuluyang lumabas ay napalingon pa siya sa ’kin.
“And by the way, that’s not your first kiss.” With that, he left.
Napamaang na lang ako nang dahil sa sinabi niya.
Just what did he mean by that?