Kabanata 6.1

858 Words
Caleb Malalim na ang gabi nang maisipan kong maglibot muna sa labas ng mansyon. Tinanguan ko lang ang mga nagkalat na tauhan sa paligid habang masuring nagmamatyag. May kanya-kanya silang oras ng pagbabantay upang masiguro na walang makakapuslit na kalaban sa loob ng mansyon, o hindi naman kaya ay maagapan agad ang anumang klase ng karahasan na maaaring maganap. Kahit ang security room ay hindi puwedeng mabakante. Kailangan na palaging mayroong naka-monitor sa CCTV cameras buong araw. Nang masiguro kong maayos naman ang ginagawa nilang pagbabantay at wala namang kakaiba sa mga ikinikilos nila ay bumalik na ako sa loob ng mansyon at umakyat ng hagdan. Tinatahak ko ngayon ang daan patungo sa kuwarto ni Kylie nang biglang tumunog ang phone ko. Tumigil muna ako sa balkonahe bago kinuha ang phone ko mula sa bulsa. Agad ko itong sinagot nang makita na si Brent ang tumatawag. “What is it?” Napasandal ako sa pader at tumanaw sa labas. “I forgot to tell you that she was still investigating the incident that happened almost four years ago. Kung bakit naman kasi ako pa ang itinalaga mo na puwedeng tumulong sa kanya sa pag-iimbestiga? Nauubusan na ako ng alibi. Lalo pa at wala naman talaga akong ginagawa para umusad ang kaso,” himutok niya mula sa kabilang linya. “Wag kang mag-alala. Dahil malapit na rin naming sabihin sa kanya ang totoo tungkol sa bagay na ’yan,” walang gana kong sagot sa kanya. “Really? Finally!” Napailing na lang ako. “Ayan lang ba ang itinawag mo ng ganitong oras? You know how important my time is,” I reminded him. Saglit siyang natahimik bago muling nagsalita. “Actually, gusto ko lang din ipaalam sa ’yo na kasama ka na sa mga pinaiimbestigahan niya sa ’kin ngayon. Mukhang malaki ang pagdududa niya tungkol sa tunay mong pagkatao,” seryosong wika niya. Napatingala ako. Ngayon ko na lang ata ulit natitigan ang mga bituin sa langit. How I missed the old times. “I know. But, of course, I believe that you already know what to say as well,” may pagbabantang ani ko sa kanya. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang paghugot niya nang malalim na hininga. “Yeah. Just be extra careful too.” Mula sa pagkakasandal ay umayos na ako ng tayo at muling nagpatuloy sa paglalakad. “You have nothing to worry about me. Ituon mo ang buong atensyon mo sa mga inuutos ko sa ’yo. I want good news as soon as possible,” mariin kong paalala sa kanya. “Copy that. Ipapaalam ko agad sa ’yo sa oras na magkaroon na ako ng lead.” Hindi na ako umimik pa at ibinaba na ang tawag. Pagkarating ko sa tapat ng kuwarto ni Kylie ay tumayo lang ako sa isang tabi para magbantay. Ngunit napakunot noo na lang ako nang mapansin ang ama niya na papalapit sa puwesto ko. “Is she asleep already?” Mister Aragon asked me the moment he approached me. Napatango ako. Malalim naman siyang napabuntonghininga. “Wala pa rin bang lead tungkol sa taong nasa likod ng sunod-sunod na pagkawala at pagpatay sa mga kababaihan dito sa lugar natin? Kylie’s even suspecting that the organization is the one behind all of this.” He looks frustrated. “Wala pa. But Brent is the one taking care of it. We have suspects, but there’s still no solid evidence that will link them to the k********g and murder cases. Ipapaalam naman niya agad sa ’kin sa oras na mayroon ng bagong balita. Hopefully, this week, we will have a lead already,” imporma ko sa kanya. Tila nagliwanag naman ang kanyang mukha nang dahil sa narinig. “That’s good to hear. Sige na at magpahinga ka na rin.” Mahina niyang tinapik ang balikat ko. Napailing ako. “I prefer to stay here. Ikaw ang magpahinga na. Hindi ka na bumabata.” Matiim ko siyang tinitigan. Natawa naman siya. “Thank you for reminding this old man.” Hindi na ako nagsalita pa at walang emosyon lang na tumingin sa harap. Ilang saglit pa ay nagpaalam na si Mister Aragon at tuluyan ng umalis. Dumaan pa ang ilang minuto ng pakikipagdebate ko sa sarili kung gagawin ko ba ang bagay na ilang gabi ko na ring pinag-iisipan na gawin. Pero sa huli ay nanaig ang kagustuhan ko na maisakatuparan na ito. “I’ll just take a peek,” pagkumbinsi ko pa sa sarili bago ako pumihit patalikod at dahan-dahang binuksan ang pinto ng kuwarto ni Kylie para pumasok doon. Tanging ang mapusyaw na ilaw na nagmumula sa lampshade lang ang nagsisilbing liwanag niya rito sa loob. Pasado ala-una na rin ng madaling araw kaya naman ay mahimbing na ang kanyang tulog na kanina ko pa hinihintay. Walang ingay na naglakad ako papalapit sa kanya at maingat na umupo sa gilid ng kama bago pinakatitigan ito. Akmang aalisin ko ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa kanyang maamong mukha ngunit mariin kong pinigilan ang sarili. Hindi pa ito ang tamang panahon. Marahas akong napabuga ng hangin bago ko inayos ang pagkakalagay ng kanyang kumot at lumabas na ng kuwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD