[1]
"Inaaay! Nandito na si ate! Dumating na si ate Cindy!" buong lakas na sigaw ng bunsong kapatid ni Cinderella. Napalundag ito sa papag na kinaroroonan at dali-daling sinalubong sa labas ang papalapit pa lamang na tunog ng tricycle.
Nakatipon ang mga kapit-bahay, pinsan, tito, tita, lahat ng malalapit at malalayong kamag-anak niya para salubungin siya! Ibinaba ng tatlong kalalakihan na kababata niya ang mga bagahe sa dalawang kasunod pa niyang padyak.
"Ate!! Ate!!"
"Nyok! Wag ka na nga sumigaw. Malayo pa lang ako rinig ko na 'yang voice mo. Ikaw talaga baka madapa pa si Inay niyan." saway ngunit nakangiti niyang wika sa kapatid. Sinalubong siya nito ng mahigpit na yakap na siya namang ginantihan niya ng mas mahigpit pa. Maluha luha niyang pinagmasdan ang kapatid. Parang kahapon lang nang huling makita niya ito na halos hanggang bewang lamang niya. Ngayon ay malapit na nitong maabutan ang katangkaran niya.
"Ang laki laki mo na, Nyok! Siguro inuubos mo lahat ng pinapabili kong milk and star margarine ano?"
"Opo ate! Para pagdating mo ako na ang magtatanggol sa'yo sa mga bad guys katulad nung feeling mabango mong kaibigan sa Maynila."
Nanlaki ang dalawang mata ni Cinderella sa sinabi ng kapatid. "Ano ka ba Onyok! Kalimutan mo na 'yon! Napakatagal na no'n at sureness na hindi na niya 'ko naaalala." aniya at nagbigay ng tipid na ngiti.
"Eh bakit parang malungkot ka?" nakangusong tanong nito.
"Ikaw talaga," ginulo niya ang buhok ng kapatid. "Tara na nga sa loob. Ayos na ba 'yong butas sa sahig natin niyan?"
"Oo ate. Tinapalan na ng plywood ni Kuya Isko!" masigasig nitong sagot sa kanya habang naglalakad sila papasok.
"Ayus na ayus na, Cindy! Sinigurado kong hindi matitisod ang Inay mo." Nagulat siya sa kasunod nilang si Isko.
Nginitian siya ni Cinderella. "Naku maraming salamat, Isko. Tara na sa loob at may pasalubong ako sa inyo!"
Sabay sabay silang tumungo sa isang bahay na gawa sa kahoy na may apat na baitang na hagdanan. Bahay pa ito ng lolo't lola niya kaya kitang kita na rito ang labis na kalumaan. Ngunit kahit gano'n ay hindi nila ito maiwanan dahil sa napakaraming magagandang alaala ng kanilang pamilya rito.
"Mother earth!!" agad na sigaw ni Cinderella pagkakita sa likod ng nanay niyang abala sa paghahanda ng pagkain.
"Diyos ko ang anak ko! Nandito na nga!" ipinunas nito ang basang kamay sa damit bago dali daling nilapitan ang anak.
Mahigpit na yakap ang isinalubong nila sa isa't isa. Maluha luha pa silang mag-ina dahil halos mahigit apat na taon din silang hindi nagkasama.
"Nigwapa man kag samot nak? Pumuti ka pa ay!" bati sa kanya ng ina at tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.
"Nanay naman syempre ang gaganda ng mga soaps nila do'n! Pati 'yong weather nila uy the best!" pagmamalaki niya.
"Talaga anak?? Naku mabuti pala talaga at tumuloy ka do'n kay Auntie Susan mo. Malaki utang na loob natin d'yan." Sabi ng ina.
Ngumiti si Cinderella habang tumatango tango. "Opo, Nay. Napakabait pa ni Auntie sa akin. Siya pa mismo bumibili ng mga clothes ko uy."
"Pagpalain nawa siya palagi ng maykapal sa kabutihan niya. O siya maupo ka na at paniguradong gutom ka sa byahe. Niluto ko ang paborito mong sinigang na baboy at itong kanin natin ay bagong ani lang."
Pumwesto agad si Cinderella sa hapag-kainan at dali-daling pinapasok ng kanyang inang si Aling Juana ang mga kapit-bahay na sumalubong sa anak. Iinihapag niya sa mga ito ang niluto niyang pansit at palabok na kanilang pagsasaluhan.
"Humaygad, Nay! Namiss ko 'tong rice natin!" pinuno niya agad ang kaniyang pinggan ng kanin at sinabawan ng paborito niyang napakaasim na sinigang. "Doon kasi ay wala akong makitang mga bukid at anihan!"
Maiyak iyak siya sa tuwa habang kumakain. Sobrang miss na miss niya ang luto ng kanyang nanay. Samantalang habang kumakain siya ay pinagtatawanan naman siya ng kababata niyang si Isko at ng bunsong kapatid na si Onyok. Nakikisali rin sa tawanan ang kanilang mga ka-baryo.
"Ate 'di ka ba pinapakain sa Canada? Takaw mo pa rin,"
"Ano ka ba, Onyok. Hindi ko masyadong type pagkain sa ibang bansa kaya 'di ako masyadong nakakain ng maayos do'n."
"Weh? Di nga ate? Bakit mukang 'di naman halata sa katawan mo. Lusog mo eh,"
Napahinto sa pagkain si Cinderella at tinignan ng masama ang kapatid. "Ayaw mo ng pasalubong, Onyok?"
"Uy joke lang, te! Sexy mo kaya. Ikaw na nga rin ang pinakamaputi dito sa lugar natin." pambawi ng kapatid. Parang biglang nagningning ang mga mata niya.
"Tama si Onyok, Cindy! Kagwapa mu pa uy!" sigaw ni Aling Loleng na kanilang kapit-bahay.
"Talaga? Ako na pinakamaputi dito sa lugar natin?" nagliliwanag ang mukha na tanong niya.
"Oo naman. Tignan mo naman balat namin sa balat mo! Kayumanggi ka na!"
Nalaglag bigla ang mga balikat ni Cinderella. Akala pa naman niya...
"Kayumanggi lang? Hindi mestiza?"
"Ate, nag-aral ka lang sa ibang bansa. Hindi nagpapalit ng lahi." Pang-aasar pa ng kapatid.
"Tse!"
"Lalo kayang gumada ang ate mo. Kamukha na talaga niya si Cinderella. Bagay na bagay ang pangalan niya sa kanya," biglang singit ni Isko.
"Ikaw, Isko, bumabanat ka na d'yan kay Cindy," tawanan ang mga nasa sala habang kumakain. Halos magkadugtong lang kasi ang sala at kusina ng kanilang bahay dahil malliit lang ito.
"Iyong laway mo, kuya Isko, dumadanak." panunukso ni Onyok.
Mabilis na napahawak ng bibig niya si Isko. Sabay sabay na humalakhak sina Onyok, Cinderella, at aling Juana.
"Ikaw talaga, Isko, may pagtingin ka pa rin ba hanggang ngayon dito sa anak ko?" tanong ni Aling Juana sa binate. Napahawak ito sa batok dahil sa hiya.
"Nanay naman nakakahiya uy," suway ni Cinderella.
"Okay lang, Cindy. Totoo naman ang sinabi ni Aling Juana. Hindi nagbago ang pagtingin ko sa'yo,"
Muntik ng mabilaukan si Cinderella sa biglaang pagsasalita ni Isko tungkol sa bagay na 'to. Batid naman niya ang pagtingin ng kaibigan sa kanya ngunit alam ni Cinderella sa sarili niya na hanggang magkaibigan lang silang dalawa.
Nginitian na lamang niya ang kababata saka nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos nilang mabusog ay ipinamahagi ni Cinderella ang kanyang mga pasalubong para sa lahat. Sapatos at mga damit para sa kanyang pamilya. Samantala, binuksan niya ang isang kahon na puno ng mga sabon at de lata saka 'yon ang ipinamahagi niya sa kanyang mga kapit-bahay. Maliit na bagay lang ang mga ito para sa mga mayayaman, subalit para sa mga ka-baryo niya ay sobrang blessing na ito kaya't walang pagsidlan ang kanilang tuwa.
"Maraming salamat, Cindy! Matutuwa sigurado mamaya ang mga anak ko sa ulam namin," tuwang tuwa na wika ni Mang Kanor.
"Walang anuman po. Salamat po sa pagsalubong!"
"Buti ka pa, Juana, sinuwerte ka d'yan sa anak mo," sabi naman ni Melchor.
"Mabait lamang talaga ang Diyos at biniyayaan ako ng responsableng anak," sagot naman nito sa kaibigan. "Osya sige mag-iingat kayo ha. Salamat sa pagpunta,"
"Mauna na rin ako, aling Juana." paalam rin ni Isko. "Cindy, maligayang pagbabalik. Namiss ka namin."
"Aysus ikaw lang nakamiss kay ate."
Namula ang magkabilang tenga ni Isko.
"Ikaw talaga Onyok magtigil ka na nga." kinotongan ni Cinderella sa noo ang kapatid. "O sige na, Isko, thank you sa pagsalubong mo ha." ngiting sagot niya sa kababata.
Inihatid ni Aling Juana ang anak sa silid nito at pinagpahinga muna.
Nilibot ng tingin ni Cinderella ang maliit na apat na sulok na espasyong kinaroroonan niya. Kumpara sa kwarto niya sa bahay ng kanyang Auntie sa Canada, walang wala ang lugar na ito. Pero kahit gano'n ay maligaya pa rin siyang nakauwi sa bahay na kinagisnan niya at makapiling ang kanyang pamilya.
"Welcome back, Cinderella Maglangit Wagas." nakangiting wika niya sa sarili.
Binuklat niya ang kanyang maleta at inilabas ang mga dokumentong kailangan niya. Pinakiusapan kasi siya ng kanyang Auntie Susan na naiwan sa Canada, na kung maaari ay si Cinderella muna ang mag-asikaso sa negosyo nitong restaurant sa Maynila. Pinadala ni Susan sa pamangkin ang kopya ng mga papeles na dapat nitong pag-aralan at basahin para magka-ideya sa dapat nitong gawin. Hindi niya pa ito nasasabi sa kanyang Inay dahil kakadating pa lang niya. Ngunit alam naman niya na maiintindihan siya ng ina.
Kinuha niya ang cellphone at di-nial ang contact number ng tumatayong manager ng resto.
"Hello, good afternoon. Is this Ms. Tolentino?"
[Yes, speaking. Who is this please?]
"Ah hello po. Ako po 'yong niece ni Auntie Susan. I just arrived earlier morning,"
[Ms. Wagas?? Welcome back po, Ma'am. Yes po na-inform po ako ni Madam sa pagdating niyo. Kelan po ba kayo pupunta dito sa Maynila?]
"Ay mabuti naman pala at nabanggit na sa'yo ni Auntie. I'm planning to be there next week so paki-handa na rin 'yong condo na tutuluyan ko."
May nabili kasing condo unit ang kanyang Auntie malapit doon sa restaurant, kaya sinabihan siya nito na doon na lang tumuloy.
[Noted, Ma'am. Actually kakatapos lang i-polish ng interior no'n kahapon, so anytime po pwede niyo ng puntahan,]
"That's good. And if there would be papers I need to review and sign, kindly get them prepared also,"
[Yes, Ma'am.]
Pagkatapos niyang makumpirma iyong mga tanong niya tungkol sa resto, Cinderella ended the call. Hindi na siya masyadong nag-ayos ng kanyang mga damit dahil aalis din naman siya in a week. Upon looking her stuff, one thing caught her eye. Ang unang litrato nilang nakangiti sa party ni King Daryl.
A thought suddenly came to her. Kamusta na kaya siya? Malamang katulad ng ibang mayayaman, engaged na siya sa isang maganda at matalinong babae na tagapagmana ng isang malaking negosyo. Sa arte at choosy ba naman ng damuhong 'yon ay paniguradong next top model ang mga babaeng nakakasalamuha niya.
Napabuntong hininga na lang siya. Pa'no kung hindi siya natuloy sa Canada? May pag-asa kayang maging fairy tale ang kanyang buhay katulad ng tunay na Cinderella? Pwedeng oo, pwedeng hindi. Pero sigurado siya na napakaliit lang ng porsyentong magkaroon siya ng happily ever after dahil naniniwala siyang hindi kailanman maaaring magtagpo ang langit at lupa.
Inilaan niya ang buong linggo niya sa probinsya para sa kanyang Nanay at kay Onyok. Isang araw bago siya lumuwas ng Maynila ay doon lamang niya ipinaalam sa kanila ang tungkol sa pabor ng kanyang Auntie Susan.
"Naiintindihan ko, anak. Basta laging mag-iingat dun ha? Wag na wag mong papabayaan ang sarili mo lalo na ang kalusugan mo."
"Oo naman po, Nay. Ikaw din yung mga vitamins mo i-take mo everyday ha?" paalala niya sa ina habang naghihintay siya ng tricycle papuntang terminal kung saan naroon ang mga bus papuntang airport. "Ikaw naman Onyok 'wag kang pakunsume kay Inay. Sasakalin kita pagbalik ko kapag naging matigas ang ulo mo,"
"Ako pa ba, ate? Napakabait ko kaya."
"Siguraduhin mo lang dahil kung hindi ay wala kang dagdag sa allowance mo,"
"Pag ba naging extra good boy ako, may extra din ang allowance ko?"
"Kutos gusto mo?"
"Sabi ko nga magtitipid na lang ako."
Ginulo niya ang buhok ng kapatid at isinakay ang mga gamit sa tricycle na dumating.
"Ba-bye!! Mamimiss ko kayo!"
Mausok na mga sasakyan, malalaking gusali at mga taong abala sa kanya kanyang pupuntahan. Iyan ang sumalubong sa kanya paglabas ng NAIA. Sa pangalawang pagkakataon, nasa mismong lugar siya na kanyang kinatatayuan noong unang dating niya sa Maynila para magtrabaho. After how many years, narito ulit siya. Magkahalong tuwa at kaba ang nararamdaman niya habang pinagmamasdan ang paligid niya. Masaya siya dahil makakatulong na siya sa kanyang pamilya at makakabawi sa kabutihan ng kanyang Auntie. Subalit kalakip ng kanyang tuwa ang kaba at takot na harapin ang mga taong naging malaking parte ng kanyang buhay sa Maynila. Handa na ba siyang ipakita ang bagong Cinderella? Handa na rin kaya siyang harapin ang iba't ibang posibilidad na nangyari habang nasa malayo siya?
She has no choice but to face her fears. She has to prove them that she made the right decision back then. Ano man ang mangyari kailangan niyang magpakatatag dahil walang kasiguraduhan na may mga kaibigan pa siyang babalikan at masasandalan dito matapos nang ginawa niyang pag-alis ng walang paalam kay Jasper. Alam niya kung gaano kahalaga ang lalaking ito para sa mga kaibigan dahil pamilya na ang turingan nila.
Pagdating niya sa condo na ng kanyang Auntie Susan, hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at agad na isinaayos ang mga gamit. Malaki ito at may malawak na sala. May dalawa ring maaliwalas na kwarto.
"Bakit naman ako matatakot na makita 'yong monkey na 'yon? Baka nga di na niya ko kilala."
***