Kabanata 7

2435 Words
"Ikaw na gumising kay ate," "Ikaw na kase," "Bilisan niyo diyan baka dumating na si sister Sylvia," Tila nagtatalo ang mga maliliit na boses sa tabi ko. Kahit hindi ko maipaliwanag kung nasusuka ba ako, nagugutom, o nahihilo ay labis ang pagpipigil ko ng tawa sa pag-uusap nila. Bakit kaya hindi na lang nila 'ko yugyugin at gisingin? Pero natahimik sila sa pagtatalo nang may kumatok at narinig kong bumukas ang pintuan. "Kuya Calyx!" sabay sabay na pagtawag ng mga bata sa dumating. Anong ginagawa niya dito ng ganito kaaga? "Alam ko na!" biglang sigaw ng maliit na tinig ni Chino. Parang biglang may naisip siyang plano sa tono ng boses niya. "Ano 'yun?" tanong ni Rita. "Baka kailangan ni ate Cinderella ng prince charming para magising!" sagot ni Chino na tila ba napaka-brilliant ng suhestiyon niya. Napakunot noo ako. "Paanong gagawin natin?" "Si Kuya Calyx! Kailangan niyang i-kiss si ate Cinderella para magising! Yung ganon sa story telling class natin!" Bigla akong napamulat at nanlaki agad ang mga mata ko. Ano bang iniisip ng batang ito uy! "Kuya Chino, si Sleeping Beauty iyon. Bukas pa natin malalaman iyong kwento ng ending ni Cinderella. Paano natin malalaman kung paano siya gigisingin ni prince charming?" ani Rita. Tama tama. Pumikit akong muli at nagpatuloy sa pakikinig sa kanila. "Tanong kaya natin kay sister Sylvia?" "Hindi pwede malalaman niyang gising na tayo,' "Ah! Alam ko na! Kuya Calyx, diba adult ka na? Baka alam mo na yung story ni Cinderella? " "H-Ha? Naku...hindi ko rin sigurado e. Ang natatandaan ko lang ay kumain siya ng apple na may lason kaya siya pansamantalang namatay," Medyo napaisip yata iyong mga bata at panandalian silang natahimik. Jusko nag-be-brainstorming pa yata itong mga kids na ito. Yugyugin niyo na lang kasi ako para mas mabilis. "Okay ganto na lang— basta subukan na lang natin iyong nangyari kay Sleeping Beauty kay ate Cinderella," Napakapit ako ng mahigpit sa aking kumot. Naririnig ko ang papalapit na mga yabag nila! "Ayan kuya Calyx i-kiss mo na po si ate Cinderella. Tapos maglaro na po tayo," Paano nila nasasabi iyan ng gano'n kadali?! Jusko mahabaging mga diwata tulungan niyo ako! "Baka magalit ang ate Cinderella niyo. Hintayin na lang natin siyang magising," "Hindi 'yan, Kuya. Ililigtas mo naman siya kaya hindi siya magagalit. Ako'ng bahala," Nako Chino lagot ka talaga sa akin mamaya! Ikaw pala ang bahala ha! "Okay fine," he said in surrender. Nahigit ko ang aking hininga. Unti-unti ay nararamdaman ko ang kanyang paglapit. Hanggang sa maging ang kanyang paghinga ay dumadampi na sa aking pisngi. OMG. Kinilabutan ako nang bumulong siya sa akin, "Wake up, princess Cinderella. Or else I'm gonna kiss you for real," sabi niya na para bang isang musika sa aking pandinig. Napahawak ako sa aking sentido at parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Dahan dahan akong nagmulat ng mata at limang ulo ang naaninag kong nakadungaw sa akin. Umayos ako ng upo habang hawak parin ang aking ulo. Malapad ang ngiti ng mga batang nasa paligid ko. "Sabi ko na sa inyo tatalab din kay ate Cinderella iyong kiss ni kuya Calyx eh!" pagayayabang ni Chino sa mga kasama niya. "Naku kanina pa ba kayo gising?" nanghihina kong tanong. "Opo ate Cinderella at buti na lang gumising ka na," sagot ni Rita. Hinawakan niya ako sa braso at hinila patayo. "Tara na po maglaro na tayo sa labas," Sinulyapan ko si Calyx na nakangiti lang. Agad akong nagbawi ng tingin dahil bigla akong nakaramdam ng hiya sa kanya. Pasaway naman kasi itong mga kids na ito. Paglabas namin ng kwarto ay nakasalubong namin si sister Sylvia. Sinabihan niya kaming mag-almusal muna bago maglaro. Pinaderecho niya sa kusina ang mga bata samantalang tumungo muna ako sa banyo para makapaghilamos at makapag-ayos ng kaunti. Nakakahiya naman sa super fresh naming kasamang si Calyx na akala mo'y kakalabas lang ng magazine. After kong makapag-refresh ay sumunod ako sa kusina at inabutan ko na silang kumakain. Umupo na ako at nilagyan ng pagkain ang aking plato. Tuwang tuwa sila dahil may dala palang bacon si Calyx na siyang nakahain sa amin ngayon. Paborito kasi ito ng mga bata. Napatingin ako kay Calyx na nakatalikod sa amin at busy sa pagluluto ng hindi ko alam kung ano. Nang makalahati ko na ang food ko ay inilapag niya sa tapat ko ang isang bowl na may soup. Tinignan ko kung nagluto ba siya para sa lahat ngunit umupo na siya sa tabi ko at nagsimulang kumain. "Special treatment ba 'to?" bulong ko sa kanya habang kumukuha siya ng pagkain. "Oo. Special treatment 'yan para sa mga manginginom," natatawang bulong niya pabalik sa akin. "Ubusin mo 'yan habang mainit pa. Dahan dahan ka ha," dagdag paalala pa niya. Pa'no niya nalaman? May powers kaya 'to sa utak? Nag-smile na lang ako sa kanya at nag-thank you. Baka makatulong ang soup na ito para kumalma ang nag-ngangalit kong ulo. Paagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa likod—doon sa tambayan namin at nakipaglaro kaming dalawa sa mga bata. Napagod ako kakatakbo, pero ang mga bata ay tila walang kapaguran. Hinihingal akong tumungo at umupo sa may papag. Ilang sandali pa ay sumunod at tumabi sa akin si Calyx. Hindi kami masyadong close pero magaan siyang kasama. Hindi siya mahirap pakisamahan at tsaka mabait talaga. Masyadong maalalahanin. "Kamusta na pakiramdam mo?" tanong niya at humarap siya sa akin. "Ayos na. Salamat sa pa-soup mo. Tsaka pa'no mo pala nalaman na uminom ako kagabi?" "Ako pa ba?" sagot niya at tumingin sa gawi ng mga bata, "Malakas ang radar ko sa lahat ng bagay," I let out a small laugh, "Salamat ulit," "If you don't mind, pwede ko bang itanong kung may problema ka ba kaya ka uminom kagabi?" Ngumiti ako habang pinapanood ko ang mga bata na naglalaro. "Ah wala naman. Birthday kasi ng best friend ko kaya napainom ako, pero hindi ako manginginom gaya ng sinabi mo kanina noh," paliwanag ko at natawa na naman siya sa sinabi ko. Pansin ko lang kanina pa siya tumatawa sa bawat sabihin ko. Napakamot na lang ako ng ulo. Atleast mukhang hindi naman ako boring kasama. "Basta kung kailangan mo ng kasama lalo na kung iinom ka, I'm just a call away," "Bakit ang bait mo sa 'kin? Ganyan ka siguro sa lahat ng nakikilala mo," sabi ko. "Kase I like you," Nanlaki ang mga mata kong napalingon sa kanya. "Anong sabi mo?!" "Sabi ko I like you. As a friend. I want you to be my friend," Nakahinga ako, "Haay. Grabe ka ano? Ayusin mo kasi," Tumawa na naman siya at sa pagkakataong ito ay kulang na lang gumulong na siya sa lapag. "Bakit? Akala mo ba---" "Wag mo ng ituloy! Mang-aasar ka pa e," "Uuuuy nag-expect," "Hindi noh!" "Yieee hindi daw," tinusok tusok pa niya 'ko sa tagiliran kaya nagpipigil tuloy ako ng tawa. "Nakakainis ka ha," hinampas ko siya sa braso at tuluyan na rin ako natawa. Tumawa lang kaming dalawa hanggang sa pakiramdam ko ay naubos na iyong mga tawa ko sa katawan. Pumikit ako para mag-relax kahit sandali and then I heard him humming. "Alam mo ang ganda ng boses mo tapos gwapo ka pa. Buti hindi ka nag-artista?" tanong ko. Tumawa na naman siya. Feeling ko ang funny ko talagang kasama. "Salamat sa compliment ha. Sige simula ngayon manood ka na lagi ng TV," "Hehe. Sige bibili ako ng TV kapag nag-artista ka para lagi kitang papanoorin. Ako ang magiging number 1 fan mo!" "Wow supportive," nanliliit ang mga mata niya sa sobrang pag-ngiti. Kitang kita ko ang set of white teeth niyang kasing puti ng mga bagong ani na bigas. May dimples din siya kaya ang cute cute niya tapos yung buhok niya naka-brush up pang parang sa mga artista talaga kaya aakalain mong galing siya sa loob ng isang magazine. "Syempre. That's what friends are for," sabi ko at pabiro ko siyang kinindatan. Kinuha ko ang cellphone ko nang mag-vibrate ito. Text message mula kay Amega. Kanina pa pala siya tumatawag at nagtetext para kamustahin kung ayos lang ba ako. Siguro dahil sa mga bata at dito kay Calyx ay pansamantala kong nakalimutan iyong nangyari kagabi. Nireplyan ko siya na okay lang ako para hindi na siya mag-alala pa. Isa lang naman ang nakikita kong solusyon sa amin ni Jasper. Iyon ay ang mag-iwasan talaga kaming dalawa. Kung magtutulungan siguro kami sa pag-iwas sa isa't-isa ay hindi na kami magkikita pa. Gano'n na lang para wala ng gulo. Pagod na 'kong ipagtanggol ang sarili ko at sapat na siguro iyong mga masasakit na salitang natanggap ko mula sa nanay niya. Naalala ko na naman ang pangyayaring iyon sa buhay ko na gustong gusto ko ng kalimutan. Bago ako mag-desisyon na pumunta ng Canada ay kinausap ako ng nanay niya. Actually wala pa pala akong balak noon na tumuloy sa Canada. Pero salamat na lang sa nanay niya kase kung hindi siguro dahil sa mga pang-iinsulto niya sa buong pagkatao ko at sa pamilya ko, wala siguro ako ngayon kung nasaan man ako. Maybe life really has reasons why I had to get hurt that bad. I really loved Jasper. Ipinaramdam niya sa akin ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal. Walang gwapo at panget. Walang milky white skin at semi dark. Walang tunay at pekeng Cinderella. Basta mahal lang namin ang isa't isa kahit walang opisyal na commitment. Hindi ko inakala noon na ang isang Jasper David Perez ay magkakagusto sa isang katulad kong hindi kaputian. Kaya pakiramdam ko noon totoo iyong fairy tale—na may happily ever after lahat ng tao sa mundo at kabilang na ako sa magpapatunay no'n. Not until his mom came in the picture. Bumuntong hininga ako. Tama na nga 'yan Cinderella. Hindi ito ang right time para mag-reminisce ka ng mga hindi magandang pangyayari sa buhay mo. "Boyfriend mo?" "Saan?" Nginuso niya iyong cellphone ko. "Ahhh. Best friend ko iyon. Tinatanong lang niya kung okay na ako," Kumunot ang noo niya, "Okay ka na nga ba?" "Oo naman. Diba sinabi ko na sayo kanina," "May boyfriend ka ba?" "Wala," "Buti naman," Nakataas ang kilay kong humarap sa kanya, "Ano'ng sabi mo?" "Ang sabi ko buti naman wala kang boyfriend dahil pwede kitang guluhin anytime," paliwanag niya. Hinawakan niya ang likod ng kanyang ulo, "Kase kung ako ang boyfriend mo, hindi kita hahayaang kumausap ng kung sino sino. At kailangan palagi kang nasa paningin ko para panatag akong safe ka," aniya nang nakatingin ng derecho sa mata ko. I felt my heart skipped a beat. Nang mag-sink in sa akin ang sinabi niya ay napangiti na lang ako, "Napaka-swerte naman ng girlfriend mo. Sana hindi ka magbago. Sana dumami pa ang mga katulad mo nang mabawasan naman ang bilang ng mga babaeng umiiyak dahil lang sa lalake," Nag-stretch ako ng likod. Feeling ko nagbuhat ako ng dalawang kaban ng bigas. "Gusto mong massage? Magaling ako d'yan!" "Talaga?? Sigeeeee!" Tumalikod ako sa kanya at sinimulan niyang i-massage iyong likod ko. Napaka-pinagpala naman ng lalakeng ito. Gwapo na, maganda ang boses, at magaling pang mag-masahe. O sa'n ka pa? "Dito ba??" tanong niya at idiniin iyong bandang ibaba. "Oo yan! D'yan diinan mo pa...ayan...tama 'yan.....haaay para akong nasa langit," He's laughing like a very happy kid. Nakakadala ang pagiging masayahin ng lalaking ito! "Maayos ba 'yang vini-video-han niyo?" natatawa niyang tanong. Nilingon ko sina Rita at Chino na hawak ang cellphone ni Calyx at vi-ni-videohan kami habang parang mga uod silang inasinan. Siguradong shaky ang video nilang 'yan. Ang kukulit e. Nagpa-deliver ng lunch si Calyx para sa lahat kaya dito na rin ako kumain ng tanghalian. Napakasaya ng mga bata dahil puro paborito nila ang mga pa-foods ni Calyx. Medyo kumokontra pa nga si sister Sylvia dahil nakakahiya na raw kaso nag-i-insist talaga si Calyx at tsaka minsan lang naman daw ito. Bakas ang tuwa sa mukha ng mga kids habang kumakain. Tama lang pala talaga na dito ako tumuloy kagabi. At least wala ni isang patak ng luha ang nasayang ko dahil sa nangyaring iyon. Tumayo si Calyx nang mag-ring ang phone niya. Pumunta siya sa may bandang pintuan ngunit hindi naman iyon kalayuan kaya kahit ayokong makinig ay malinaw kong naririnig ang topic nila ng kausap niya. "Don't worry it's fine. I'll try to find another one. Oo, wag ka ng mag-alala I got this." Natapos na kaming kumain at after naming makagpahinga ay nagpaalam na kami kay sister Sylvia at sa mga bata. Pansin ko pa rin ang uneasiness sa mukha niya. "May problema ba?" tanong ko habang patungo kami sa parking. "Nagkasakit kasi iyong assistant ko. Kailangan kong makahanap ng kapalit niya para bukas," problemado niyang sagot. "Naku urgent ba 'yan?" medyo nag-aalala na rin ako sa itsura niya. "Yep. Full sched ako bukas at 6AM sharp ang call time ko sa Tagaytay. My manager will transform into a dragon if I get there late," sagot niya nang hindi naalis ang mata sa kanyang cellphone. "Can I help?" I asked. Linggo bukas at wala naman akong gagawin maghapon. Isa pa, I'd like to keep myself busy. Napahinto siya sa paglalakad at hinarap ako. Good thing nasa tapat na kami ng mga sasakyan namin. "You sure??" hindi makapaniwalang tanong niya. "Oo nga sure. Wala naman din akong gagawin bukas," sagot ko sabay bukas na ng pintuan ng sasakyan ko. "Great! I'll pick you up tomorrow at 4AM!" excited niyang sabi. "Hindi mo pa nga alam kung saan ako nakatira," natatawa kong sabi sa kanya. Napakamot siya ng ulo. Ang cute lang niya, "Can you text me your address then?" "Text ko sa'yo later. Ingat sa pagmamaneho," "See you, Cinderella! Ingat ka rin!" Binusinahan ko siya at nauna na 'kong nag-drive. Ano nga bang kailangan kong gawin bukas? Hay naku ka talaga Cinderella ni hindi mo man lang tinanong! Pagpasok ko ng elevator ay naalala kong nasa iisang floor lang pala kami nung damuhong iyon. Jusko 'wag niyo na lang sanang hayaan na magkasalubong kami. Pagdating ko sa unit ay nanlalagkit ako sa lahat ng dumi sa balat ko simula pa kagabi, so I took a quick bath. Nang feeling ko ay naubos ko na lahat ng libag ko, sinuot ko na iyong bathrobe na bigay pa ni auntie. Kinuha ko ang phone ko at umupo sa sofa. Tinext ko ang address ko kay Calyx at sinabi kong hintayin ko siya sa tapat ng building ng 4AM. Wala pang isang minuto ay nagreply na siya. From: Calyx No. Don't wait for me outside delikado iyon. I'll call you pag nasa tapat na 'ko ng unit mo. Ang gentleman! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD