I don't know what should I feel right now. Happiness, regrets, pain, doubt. Halo halo na habang kaharap ko ang puntod ni Lena. Nakaalalay si Mar sa akin, nasa likuran ko naman si Alexa na umiiyak na rin. Kapwa kami nagdadalamhati dahil sa sinapit ng aming kaibigan. We are shock with the sudden happen to us. At mas hindi ko matatanggap kapag ang kambal rin ay nawala sa amin. Hindi ko alam kung bakit nangyari ito. The more I think kung bakit hinayaan ko si Lena na indahin ang sakit niya habang dinadala niya ang kambal ay sinisisi ko ang aking sarili.Naging pabaya ako, iniisip lang ang sarili at hinayaan si Lena na ilihim sa amin ang kondisyon niya. Magkayakap pa kami noong nakaraang araw, masayang masaya dahil kapwa kaming nagagalak dahil nagkakilala kami, not until she feel pain.

