Nasa park kami , pinagmamasdan ko ang mga pamilyang nag pipiknik sa paligid. Mga batang naglalaro sa playground. Tanaw ang naglalakad at nag eenjoy na si Lena, kasama si Alexa, nakangiti akong pinagmamasdan sila. Nakita ko ang tawag ni Mar kaya agad ko yung sinagot. " I am going there, Mahal", nasabi niya kaya napapangiti ako. Talagang hindi ako matiis. Pinasa ko kasi ang mga nakunan kong photo sa paligid. Siguro, napansin niya rin ang pamilyang nagpipiknik kaya heto, papunta na rin dito sa park. " Take care. Bring us some foods.", sabi ko pa sa kanya. " Yeah. What do you want then?", Tiningnan ko sina Lena at agad na tinawag. Inilalayan parin siya ni Alexa , hawak hawak ang kanyang tiyan na sobrang laki na. " Mar is coming. Do you want something to eat?", casual kong sabi

