LENO POV Malawak ang Cebu. Hindi ko akalain makakapunta ako dito ng dahil lang tumakas ako sa mga sindikatong yun. Sumakay sa isang barkong hindi ko man lang napansin na papunta ito ng cebu. Simula sanggol palang ako, binuhay ako para maging isang kasapi nila. Naninirahan sa bundok, maalam sa pakikipaglaban, gumamit ng sandata at iba pa.Hindi man lang alam kong ano ang hitsura ng syudad. Sabi nila, matalino daw ako, malikot ang pag iisip, pero ni Pagsulat at pagbasa. Hindi ko man lang alam. Lumaki ako na isang mangmang kaya naglakas loob akong tumakas. May alam akong mga litra at paano yun isulat, hindi talaga maalam katulad ng mga nakakasalamuha ko ngayon. Naging okay naman ang naging buhay ko sa mga nakaraang taon, dahil malaki ang ambag ko sa organization nila. , pero hindi kayang

