Kabanata 2

1125 Words
Thalia‘s PoV “Is there something wrong po ba, Ninong Venom? You are making me scared, ha. The way you titig me.” Bumuga ako nang malalim at inilipat ang tingin sa personal driver at bodyguard ni Ninong Venom. “Can you pasok na may car sa garage? Mainit na kasi sa labas… kawawa naman iyong car ko,” nakangiting pakiusap ko rito. Sinenyasan naman ito ni Ninong Venom na lumapit sa akin kaya binigay ko ang car key ko. “Thanks, cutie,” nakanging sabi ko pa rito. “Wala ka sa Amerika kaya umayos ka sa pakikipag-usap mo. Hindi cutie ang pangalan niya kun’di Vincent,” seryosong sabi ni Ninong Venom na mukhang galit na. Pumasok kami sa loob ng bahay nito. Fifteen years ago natatandaan ko na dinala ako dito ni Daddy. Ang sabi niya noon babalikan niya ako pero hindi naman iyon nangyari. Twenty one years old na ako ngayon at wala pa ring nangyayari sa kaso ni Daddy. Ang sabi sa akin ni Tita Josie si Ninong Venom ang makakatulong sa akin na hanapin siya. Madalas ko kasing napapaginipan si Daddy na nasa isang madilim na lugar na humihingi ng saklolo. Malakas ang kutob ko na buhay pa si Daddy at alam kong babalikan niya ako dito. “Maganda na ang buhay mo sa America. Pinag-aral ka ng libre ng foundation at nakapag-graduate ka na ng Bachelor of Arts Major in Fashion Design and Merchandising. Ano pa ngayon ang ginagawa mo rito? Tinalikuran mo ang magandang buhay mo roon para lang umuwi para sa anong dahilan?” tila galit na tanong pa nito sa akin. “P’wede po ba akong mag-pee muna bago sumagot?” Kanina pa kasi ako naiihi. Bumuga ito ng malalim at saka tumango sa akin. Nakapamulsa ang magkabilang kamay ni Ninong Venom sa suot nitong cargo pants na gray. Bakat na bakat ang malapad nitong likod, at muscles sa suot nitong white na t-shirt na fit na fit pa rito. May stainless steel itong kuwintas at may suot na smart watch. “Thanks, Ninong Venom.” Pumasok ako sa kuwarto na itinuro nito. Six years old lang ako noong una akong tumira sa bahay nito. Natatandaan ko pa rin ang kuwarto na pinasukan ko. Kuwarto ito ng mga anak ni Ninong Venom na sina Caitie at Precious na mas ahead lang sa akin ng three years and five. Paglabas ko ng kuwarto ay nakita kong nagbubulungan sina Vincent at Ninong Venom. Sobrang lapit ng mukha ng mga ito sa isa’t isa. Oh em gee. Kaya siguro nagagalit sa akin si Ninong Venom because ayaw nitong mabisto ko siya na isa siyang hot na beki. Dumistansya si Vincent dito na seryosong nakatingin sa gawi ko pero hindi sa akin. “Ano ba talaga ang ginagawa mo rito, Thalia?” Nanginginig ang aking mga mata. “So, naniniwala ka na ngayon na ako si Thalia Solae Roman?” “Take a sit.” Inilahad nito ang kamay sa may silya na gawa sa kahoy. Nauna akong umupo at inabutan niya ako ng pillow chair. Napaka-gentleman naman talaga ng Ninong ko. Mukhang hindi naman siya beki. Masiyado siyang matapang na magsalita. Nakatitig ako sa mukha ni Ninong Venom. Ang sabi sa akin ni Tita Josie fourty five years old na raw ito pero mukhang nasa thirty five years old nga lang. Nasa 6’2 ang height, under cut ang tabas ng buhok, tan ang balat at may tattoos sa bandang leeg. Ang mga labi nito manipis, may magandang shape ng jawline, ang adams apple nito nakahulma sa hubog ng mukha ni Ninong Venom. May balbas ito at bigote ngunit naka-shave. Nagawi muli ang aking mga mata sa adams apple nito. Dumagdag iyon sa hotness ni Ninong Venom. Kung hindi ko nga lang si Ninong baka naging crush ko na siya. “Hey, Thalia!” Pinatunog nito ang daliri sa tapat ng mukha ko. “Sorry. Please repeat na lang the tanong?” nakangiting sabi ko rito. “Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo.” “To be serious? Nandito ako because of my dad. I know buhay pa siya dahil palagi akong dinadalaw ng masasamang panaginip. He’s asking for my help. Ninong Venom, please… be considerate and re-open my dad‘s case. Hindi ako naniniwala na patay na si Daddy. Ang sabi niya sa akin babalikan niya ako dito kaya iyon ang gagawin ko. Hihintayin ko si Daddy dito sa bahay mo Ninong Venom. Gusto kong malaman ang totoo kung buhay pa ba talaga siya o patay na,” naluluhang sabi ko rito. “Thalia…” “I know naman na mahirap ang hinihingi ko but it’s for my dad. At para na hindi makapag-move ako. Gusto kong malaman ang totoo, Ninong Venom. So, please… do it for my dad. I know na dati kang military officer at matutulungan mo ako.” Bumuga nang malalim si Ninong Venom. Tinignan lang niya ako na may lungkot sa mga mata. “Okay. Pagkatapos nito, umalis ka na. Bumalik ka sa America at doon mo ituloy ang magandang buhay mo, okay? Kung gusto mong dito mag-stay bahala ka. Twenty one years old ka naman na at kaya mo na rin ang sarili mo. Marami akong ginagawa at sobrang busy kong tao, Thalia.” Tumayo si Ninong Venom na hindi man lang pinansin ang pasalubong ko para rito na nasa lamesa. “Ninong… so iiwan mo ako rito mag-isa?” malungkot na tanong ko rito. “Yes,” walang preno nitong sagot. “Independent ka naman sa Amerika. Isipin mo na lang na nasa Amerika ka at kung paano ka mabuhay doon ganito na rin ang gawin mo rito sa bahay ko. Old house ko naman ito kaya p’wede kang mag-stay.” Tumayo si Ninong Venom at naglakad patungo sa may pinto. “Pero… Ninong Venom? What if kapag gabi na? It’s so scary na. Maraming big trees dito sa bahay mo and also baka may ghost or bad elements na this house,” nangingilabot kong sabi rito. “Then… lock all the doors and sleep. Halika na, Vincent.” Seryoso ang mukha ni Ninong Venom at talagang iiwan niya ako mag-isa dito sa lumang bahay niya. Tsk, sana pala siningil ko muna siya sa mga utang niya sa akin. Ilang pasko at birthdays ko ang nagdaan. Tinanaw ko na lang ang papalayo nitong sasakyan. Isinara naman ni Vincent ang gate. Muli akong tumingin sa loob ng bahay ni Ninong Venom. Nagpasya na lang ako na maglibot-libot sa paligid at tumingin sa mga pictures na naka-display sa may dingding. Talagang guwapo na noong kabataan nito si Ninong Venom at maganda rin ang asawa nito. Nasaan na kaya ang asawa ni Ninong Venom? Bigla tuloy akong nalungkot dahil mabubuhay na naman akong mag-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD