Napalunok siya kasabay ng pamamanhid ng kanyang puso kaya't hindi na niya narinig pa ang iba pa nitong sinabi sa kausap nito sa cellphone. Nang makita niyang akmang pipihit na si Elijah paharap, mabilis siyang umatras at nagkunwaring kakarating lang. "H—hi..." Alanganin niyang bati. Bumakas ang pag-aalala sa mga mata nito at agad siyang sinugod ng yakap. His arms were wrapped around her tightly like he missed her so much gayong ilang oras palang naman silang hindi nagkita. "Hindi ako makahinga, Elijah," reklamo niya. "Oh! Sorry!" Anito at mabilis na kumalas ng yakap pero hindi parin naman siya binibitawan. "May nangyari ba?" Nagtataka niyang tanong. Mariin itong pumikit at huminga ng malalim. "I thought I lost you again. I even alerted the whole cruise's security sa takot na baka may

