Clementine POV Mahigpit na hinawakan ni Fin ang kamay ko, patuloy lang ang pag daloy ng kaba sa buong katawan ko. Hindi ko alam ang gagawin, wala akong alam kung anong pwede kong maitulong at isa pa... Hindi ko kayang patigilin ang oras. Nag kakamali siguro si Fin dahil walang sino mang nilalang ang maaaring mag patigil ng oras. Isa lamang akong tao, normal na tao. Wala akong ibang kakayanan walang ano man. Sumugod na ang apat na grupo sa grobloyd at kasama don ang mga kapatid ni Fin. Agad kong pinigilan si Fin sa pag sugod. Tumingin sya sa akin ng may pag tataka. "Fin... Hindi ko kaya."sabi ko kaya kumunot ang nuo niya. "Hindi ko kayang patigilin ang oras."sabi ko at yumuko. Narinig ko ang mahinang pag tawa niya saka hinawakan ang baba ko at hinarap ako sa kanya. Ngumiti siya dah

