"Ang haba na pala ng buhok mo," wala sa sariling bigkas ko habang pinaglalaro sa daliri ko ang medyo basa nitong buhok dahil sa pawis niya. "Hmm?" aniya habang masuyo niyang hinahalikan ang dibdib ko. Naroon siya sa ibabaw ng dibdib ko, nakahilig ang kaniyang ulo. Pansin kong alas dose na ng gabi. Sa katatapos lang ng ikatlong session namin ay literal na lantang gulay ang katawan ko, inaantok na rin ako. Ngunit hindi ko naman magawang matulog, tila ba ninanamnam ko ang mga sandaling iyon na kasama si Paul Shin. Nawala na sa utak ko ang umuwi sa hotel, o kahit ang paghahanap sa akin ni Lolo. Sa mga oras na iyon wala akong ibang maisip kung 'di ang kasiyahang pumupuno sa puso ko. Gusto kong i-spoil ang sarili sa kalabisan, sa tuwa at pagmamahal. Ang tagal na rin ng panahon na naramdaman

