Matapos maisarado at mai-lock ni Paul Shin ang pinto sa kwarto ko ay saka pa lamang niya ako ibinaba. Patakbo naman akong pumasok sa banyo. Lumuhod ako sa tapat ng bowl at halos yakapin iyon sa sunud-sunod kong pagsusuka. Ramdam ko ang kati sa lalamunan ko. Lasang-lasa ko rin ang pait ng suka ko kung kaya ay hindi na maipintura ang mukha ko. Salubong ang mga kilay ko, kunot ang noo habang nangingiwi. Narinig ko ang marahas na pagbuntong hininga ni Paul Shin sa gilid ko. Naroon siya sa hamba ng pintuan, nakadungaw at pinapanood ako. Mayamaya lang nang daluhan niya ako. Sinamahan ako nito sa pagkakaluhod, saka naman niya marahang hinahagod ang likod ko. Paminsan-minsan ay tinatapik ang likuran ko para tulungan akong mailabas ang sama ng loob ko. Muli akong napaiyak, hindi na alam kung an

