Sa ilang araw na nagdaan ay ganoon palagi ang set up namin ni Paul Shin. Minsan sa umaga ay nasa unit lang ako, magdamag na nakakulong sa kwarto at bumabawi ng tulog. Kapag gabi naman ay saka ako lalabas at sa bahay ni Paul Shin tumatambay. Nakadepende rin sa schedule niya ang schedule ng pagbisita ko sa Black Alley. Dumadaan na lang ako roon na parang bisita. May ilang araw pa nga na hindi na rin talaga ako nagpapakita sa kanila ng buong araw. Nakakaligtaan ko nang dumaan doon, na parte rin iyon ng trabaho ko. Mas natutuwa kasi ako na tumulong sa 24/7 Minishop. At sa higit dalawang linggo na 'yon, pasalamat ako na hindi pa ako nahuhuli ni Lolo. "Anong iniisip mo?" pukaw ni Paul Shin habang nasa gilid ko ito. Napanguso ako bago ko siya nilingon. Ngayon ay naatasang day off niya kung ka

