"Ano ba 'yan? Pangkabuhayan showcase?!" Hindi lang rice cooker at water dispenser ang dala ni Paul Shin. Marami pang iba! Jesus! Nariyan ang washing machine, may microwave, kettle, electric stove, air fryer, blender at electric fan. Sinamahan pa niya ng plate rack, mga casserole at frying pan. May mga kutsara't tinidor, sandok, baso at plato. May isang sako rin ng bigas! Hindi lang 'yon, pati mga groceries at iba pang needs ng isang tao. "Paul Shin!" singhal ko rito at saka pa siya sinundan papasok sa bahay ko. Nalaman na niya kung nasaan ako nakatira, nagkusa na akong papuntahin siya rito. Paano at sino bang magbubuhat ng mga dala niya? Kaya pala naka-pick up ito. Hindi ko naman alam na mananalo ako ng pangkabuhayan showcase ngayon, ni wala nga akong sinasalihan! Wala sa sarili nang

