PAUL SHIN's POV: I just can't lover her. Hindi ngayon na pareho pa kaming nasa poder nina Mama at Papa. And I promise, magsisikap ako. Gagawa ako ng paraan. Magpapatayo ako ng bahay bago pa man mapalayas si Vanny dito sa bahay. Pwede rin akong magrenta ng isang unit sa A&D Tower, posibleng may discount ako roon lalo at malapit ko namang kaibigan si Leo Ortiz na silang nagmamay-ari sa condominium na iyon. Mag-iipon rin ako ng maraming-maraming pera at ako mismo ang bubuhay sa kaniya, tipong hindi na namin kailangan ng suporta galing sa pamilya ko. Gusto ko na kapag aalis siya ay kasama niya ako. At kung umalis man kami ay gusto ko ring hindi na kami babalik pa kung ang dahilan lang ay para magmakaawa. Hinding-hindi ko iyon gagawin. Gusto kong patunayan na tama lahat itong ginagawa ko.

