VANESSA: "Ikakasal nga kayo ni Paul Shin pagkatapos ng graduation ninyo." Iyon lang naman ang narinig ko pero bakit tagos sa puso? Bakit ang sakit? Akala ko ay tanggap ko nang wala kaming kahahantungan ni Paul Shin, na hanggang magkaibigan lang kami, na kahit hanggang kuya-kuyahan ko lang siya. Hindi ko pala tanggap. Akala ko ay okay lang sa akin kung palalayain ko man siya at hahayaan sa sarili niyang kasiyahan, na ayos lang sa akin kung maikakasal siya sa iba. O kung magkakaroon man siya ng asawa't anak. Hindi pa rin pala. Alam ko na hindi pa gano'n kalalim ang pagkagusto ko sa kaniya pero bakit sobrang bigat ng epekto sa pagkatao ko? Bakit kailangan kong masaktan, imbes na suportahan na lamang siya? Umawang ang labi ko. Maang ko pang tinitigan ang naabutang pangyayari. Si Tita

