"Anong asawa ang sinasabi ng lalaking 'yon? Asawa kaagad? Ni hindi pa nga 'yon pormal na nanliligaw sa 'yo, Vanny! Tapos ay asawa na agad ang iniisip niya?" sunud-sunod na palatak ni Paul Shin sa likuran ko. Nasa bahay na kami. Nagmamadali akong naglalakad para takasan siya, pero siya naman itong nakasunod sa akin kahit noong umakyat ako sa second floor ng kanilang bahay. Dinig ko ang mabibigat niyang mga yabag, animo'y batang nagdadabog. Halos lakad-takbo ang ginagawa ko. Ayoko siyang sagutin, hindi hamak na sa away na naman ito mapupunta. Ayoko nang makipagtalo pa dahil kahit ano naman ding sabihin o gawin ko— gusto pa rin niya ang kailangan na masunod. "Vanessa Schafer!" pagtawag niya sa buong pangalan ko, tanda na galit nga ito. "Magpapahinga na ako, Paul Shin," pahayag ko sa mabab

