Escaped from a dream...

255 Words
...hmm kamahalan! Kamahalan! Kamahalan! Bakit ang ingay? Unti-unting minulat ang mata... Ah, bakit ang ingay at narito kayo? Kasi po dalwang araw na kayong di pa nagigising... Kaya pinatawag na namin po ang inyong ina at ama! Ha, ano pupunta si ina at ama? Bilisan nyo maghanda kayo ng makakain at maiinom para sa amin. Damihan nyo ng isda at ako'y gutom na gutom! Opo! Ikaw Diyang maiwan ka dito at ako'y mayroong itatanong sa iyo! Ano po yaon? Umalis muna kayong lahat...~isinara nila ang pinto. Diyang, ilahad mo sa akin ang dahilan kung bakit tinuturan nilang ako'y nagising na rin noong isang araw? Ang totoo'y nahulog kayo sa ilog dahil sa iyong mga kapatid si Tikmol at Mantok! Hmm, patay kayong dalwa sa akin... Naglalaro sa aking isipan kung anong parusang aking ipapataw sa kanila... Gagawa ba ng trap? Magpapanggap na babae? Sasabutahihin? Pagnanakawan? At kung anu-anong kalukohan! Hehe! Ano pong nginingiti-ngiti nyo dyan kamahalan? Hulong maaari ka nang humayo! Hayst! ... Sa Palasyo ng Reyna...naroon ang hari (nagkukwentuhan sila) Reyna: Nagaalala talaga ako sa prinsipe! Hari: Bakit naman? Reyna: Kasi... Hari: Di ba sabi ng manggagamot magaling na sya sa kanyang sakit, bakit di ka masaya yata? Reyna: Namimiss ko lang yung laging pagpunta nya dito. Biglang sumugod ang isang katulong... Kamahalan si Prinsipe Hae Seung! Anong nangyari?~tugon nung dalwa! Ah... di pa po nagigising simula nung isang araw! Ano? Dali-dali silang pumunta sa silid ko at pagdating nila ay nakaupo na ko sa kama ko. Isang di inaasahang bagay ang aking natanggap mula sa kanila, ang mahigpit na yakap mula sa isang ina at ama! Totoo ba ito? Di ba ito isang panaginip? Oo, syempre naman~magkasabay pa nilang tugon. Nagulat ako ng sila'y tumugon... Ama, ina... nagagalak ako sa inyong pagdalaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD