Chapter seven: Eyes

2042 Words
Nasa sasakyan na ako kasama si Reyiel, Jonna at ang makulit, sexy at maganda na kapatid ni Urgine na si Ellyn. Nakakatawa nga dahil parang 16 siya hindi dahil sa height kundi sa mukha niya. Bagsak na bagsak ang brown hair niya at chinita pa ito na namana niya daw sa nanay niya. Nong pagkapasok ko nga sa sasakyan ni Jonna at agad niya akung niyakap na bigla nga ako. Di daw siya makapaniwala na nakita nadaw niya ako sa personal. Pinakita pa niya sakin ang magazine kung saan ako ang cover nong 19 years old pa ako. Sinabi niya rin sa akin kung gaano siya ka amaze sa mata ko na ibat iba ang kulay. Im wearing a contact lense right now kaya nagtaka sya kung bakit iba ang kulay. "So... san tayo pupunta?" Tanong ko kay Jonna habang nagdri-drive ito. Tinignan naman niya ako sa pero binalik ang tingin sa daan. "Sa condo ni Charl. Naghihintay na si bruha don." Sagot niya. Tumango-tango naman ako. Bigla naman akung kinalabit ni Ellyn. "Picture tayo, Alic." Kung maka Alic to parang same age kami ah! Sabagay baby face pa naman ako no. She's 20 years old while im 24. Nag smile naman ako at naka 5 na pictures na kami ng tumigil na siya. Nakipag-appir naman siya sakin dahil at ganda ko daw. May napansin ako sa kanya, hindi niya alam na maganda din siya. She's tan and tall. She has this perfect brows which is natural and her redish lips . "Tama na yang chika niyo at bumaba na kayo." Bumaba na kami at pumasok nasa building kung san ang condo ni Charlize. Pumasok kami sa elevator at si Reyiel naman ay pinindot ang 8th floor. Nasa ikalima na unit na kami ng nag-enter si Jonna ng code. Pumasok kami at nanlaki ang mga mata namin ng makita naming naghahalikan si Blake at Charl sa couch. "Ehemm." Nag fake cough si Ellyn at sabay namang napatingin samin sina Blake. Namula si Charl at si Blake naman ay ngisi-ngisi lang. Mga lalaki talaga. "Ngisi-ngisi mo dyan?" Pilosopo kung tanong na ikinatawa nila. Tumayo naman sa pagkaka-upo si Blake at hinalikan si Charl pero smack lang. "I have to go." Tsaka niya kami tinignan at tinangu-an. "Sige. Solohin muna namin girlfriend mong nakalimutan mag bra." Tinignan naman ako ng masama ni Chalrize at humalakhak naman sa tawa si Blake bago umalis. "Pag si Alic nagsalitaat  pagbarkada ang kaharap puro astigin at pangbu-bully pero pag si Aslin ay nako! s**t lang may sweet-sweet pa!" Tinulak naman ako ng mahina ni Jonna. Napatawa nalang ako ng mahina. Naglakad kami palapit sa couch at umupo. Dinantay ko naman ang isang hita ko aa hita ni Charl. Ganito talaga kasi ako pag komportable ako sa isang tao. "Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Ellyn na may kinkililot sa phone niya. "Anong oras naba?" Tanong ko sa kanila. Tinignan naman nila sabay'2 ang wall clock ni Charl. "10:43 am." Sabay sabay naming sabi. Tumayo naman bigla si Charl at nagsalita. "Mall kaya tayo?" Excited na tanong niya. Nagtatalon-talon pa. Tumayo naman si Ellyn at nagtatalon-talon din. "Mygosh! I like your idea! Magbihis na tayo girls!" Tumili pa ang dalawa. Napapikit nalang ako ng mariin. "Wait." Tumayo ako. " Wala akung dalang damit." Sabi ko sa kanila natahimik naman sila sandali. "May mga damit ako dito at ako na ang bahalang mamili kung anong susuotin mo. Dont worry dahil hindi ko pa nasusuot ang mga yun." Nakangiting sagot sakin ni Charlize. Nagkatinginan naman silang apat. "I like what your thinking Jonna." Nagtataka ko naman silang tinignan. Ano na naman ba ang balak ng mga babaeng ito?! Tinignan nila ako ng sabay bago tinignan ang sout kung pajama at fitted t-shirt. "Maligo kana, Alic dahil pagkatapos natin sa mall ay magba-bar tayo!" Sigaw ni Ellyn at nagsasayaw pa. "Aminin mo nga Ellyn, naka lunok kaba ng milyong-milyong enervone?" Tumawa naman siya at tumawa din sila Jonna." Baka nakakalimutan niyong kakalabas ko lang sa hospital." Paalala ko sa kanila. "Kaya nga magba-bar tayo! Dahil week karin tumira sa beloved hospital bed mo! Kaya maligo kana bruha." Magpro-protesta sana ako ng bigla nila akung ipinapasok sa isang kwarto . "Don ang cr kaya maligo kana!" Sigaw nilang apat. Umiling-iling nalang ako dahil matatalo parin ako. Hindi ako nakadala ng phone at hindi ako nakapagpaalam dahil pagka-gising ko ay wala naman sila Lesly sa bahay. Pumasok ako sa banyo at hinubad lahat ng saplot sa katawan ko at naligo na. Pagpikit ko ay rumihestro ang ng nanay ko. Winaksi ko nalang ito hindi inintindi ang sakit sa puso ko. Lumabas ako sa banyo na nakatowel lang. Nadatnan ko silang apat na bihis na bihis na. Naka high-waist si Ellyn at Charl. black kay Charl at White naman kay Ellyn. Naka Crop top si Ellyn at Charl naman ay fitted red see-through. Si Reyiel ay naka skirt at muscle tee. Si Jonna at naka plain black tube at fitted mini skirt na white. Tumayo si Reyiel at binigay sakin ang isang grey sleeveless at black jeans. "Are you serious?" Tanong ko sa kanya. She raised her right brow. "Do i look like Im joking?" Balik na tanong niya sakin. "No, but your face is funny." Tumawa naman sila maliban samin ni Reyiel. Tinignan ko siya blanko at siya naman ay tinignan ako ng masama. "Alic talaga umaandar na naman yang pagkaletse mo! Magbihis kana nga!" She hissed. Hinubad ko ang towel ko sa harapan nila and don't worry naka bra at panty na ako. Nanlaki naman ang mga mata nila. "Old habbits die hard." Natatawang saad ni Jonna. Tama siya. Hilig ako maghubad sa harapan nila pero half-naked lang. Nagbihis na ako at tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Kita kita ang abs ko nito eh. Tinignan ko sila dahil gusto kung magpalit ng pangitaas pero inunahan nila ako iling. Alam talaga nila. "Girls? I-make-over na natin si Mrs. Heldon!" Hindi ko sila pinayagang galawin ang buhok ko kaya tinudo nila ang magic nila sa mukha ko. "Cha-raran!" Rinig kung sabi ni Charl. Dumilat ako at binigyan naman ako ni Jonna ng salamin at hindi ko maitatanggi. Im hella beautiful. "Alam mo Alic. Tanggalin mo kaya yang contact lense mo." Tinitigan ko lang si Charl. Hindi nila kasi alam ang lahat eh. Ngumiti lang ako tsaka tumayo. "Wag nalang! Ano ba. Hahaha" I just smiled. ***** Tapos na kaming manood na sine at ngayun naman ay naglalakad kami patungo sa botique kung saan maraming lingerie.  Iwan ko nitong si Charl at parang walang pakialam sa presyo at si Ellyn naman ay sinusuri ang mga lingirie bago inilagay sa basket niya. Ang ginawa ko naman ay nagtitingin tingin lang hanggang sa mapako ang tingin ko isang kamison na may tatlong set. Kinuha ko ito bago inilagay sa basket na na nakita ko kanina. Nagdecide na din akung mamili ng mga paris na panties at brassier. Ng matapos kami at sabay sabay na namin binayaran ang lahat ng binili namin. Ang next stop naman namin ay ang mga mini dresses at sila na naman ang namili pero ako ay umupo lang sa isang banda. Sa pagkaka-alam ko ay botique ito ni Ellyn. Narinig ko kasi si Jonna na sinabing ' Sa botique tayo ni Ellyn! '. Hanggang sa mag alas tres na ay napagdesisyonan naming kumain sa isang food chain. Nagkwe-kwentohan lang kami at nagtatawanan ng bigla kung tinanong si Ellyn. "May boyfriend ka?" Nakangiti kung tanong ko sa kanya. Umininom muna siya bago ako sagutin. "Wala no! NBSB ako. Naghihintay pa ako kay Mr. Right yung lalaking into nature!" Pagkatapos niyang sabihin niya yun ay pumikit siya na parang nagdi-day dreaming. Sa ganda niya ay wala pa syang boyfriend how come? "Sa ganda mong yan wala talagang nanliligaw sayo?" Takang tanong ni Jonna sabay kain sa fries. "Nakalimutan niyo bang may Kuya akung ubod ng ka cold! Kung si Jeph ay Suplado at si Aslin naman ay Demonyo ang Kuya kung si Urgine naman ay ubod na kalamigan!" Umirap pa siya at ang cute niyang tignan ha. "Correct ka dyan friend! Si Jhaiye ay babaero, si Red ay Misteryoso, si Tyner ay kwela, si Lance ay palabiro, si Blake ay palangiti, si Rasty ay out of country man, si Hero ay sweet, si Jake ay palatawa, si Mike ay bully, si naman ay ubod din ng ka seryosohan. At ang the rest ay hindi kuna memorize!" Napatawa naman ako sa mga pinagsasabi ni Reyiel dahil totoo talaga lahat at yung kay Hero ay kay Jonna lang siguro sweet yun! "Tara nga para makapag relax tayo sa condo mo, Charl. Matulog tayo para may energy tayo mamayang gabi!" Sigaw ni Jonna kaya napatingin sa kanya ang ibang mga taong kumakain dito. Bunga-nga talaga! Nag peace sign naman ang bruha bago nag-aya si na tumayo na. Lumabas na kami sa foodchain at napagdesisyonan na naming umuwi para makapagpahinga para mamayang gabi. Nasa kalagitnaan na kami ng daan ng magsalita ako. "Bakit wala si Jhailleigh Krystal Terzoda?" Tanong ko sa kanila. Si Ellyn naman ang sumagot. "Sinoli ni Kuya! Nagtaka nga si Jhaille eh kung bakit siya ang sinama ni Kuya sa L.A." Tinignan ko naman ang dalawa at kinindatan lang ni Jonna at si Reyiel naman at tumawa ng parang maykahulugan. Owwwkay.... Parang may nangyaring hindi ko alam ah. Hindi ko nalang yun inintidi hanggang sa makarating na kami sa condo ni Charl. Napag-isipan naming sa isang guestroom kaming lahat matulog at magtabi-tabi. Sayang lang wala si Ian at Jhaille. *-*-*-*- "My god Alic gising na!" Sigaw ni Jonna sakin. Sabay yugyog. Sinabunotan ko siya dahil ang bruha hindi ang katawan ko ang niyuyog-yog kundi ang ulo kung magsugat! "Papatayin mo ba ako!" s**t lang dahil dumugo ang sugat ko. Nagpanic naman ang bruha at tinawag ang tatlo. Nanlaki naman ang mga mata nila at dali-daling kinuha ang kit at linisan ang sugat ko. "Pag itong sugat ko jonna hindi gumaling papatayin ko talaga si Hero mo!" Sigaw ko sa kanya. Inirapan lang ako ng bruha at si Charl naman ay pinagpatuloy ang paglinis sa sugat ko. Si Ellyn ay lumabas dahil may phobia sa sugat at dugo. Nanginginig nga eh. "Magbihis na nga kayo dahil magba-bar na tayo!" Sumigaw sigaw naman si Reyiel. Sinungaw naman ni Ellyn ang ulo niya sa pinto.an "Tapos na?" Tanong niya. Na nakapikit. Ang cute niya tuloy. "Tapos na. Kaya magbihis na tayo!"  Humiga muna ako at niraramdam ang sakit na dulot ng sugat ko. Nakatulala lang ako ng biglang bumukas ang pito.an at nakita ko si Ellyn na may dalang damit. "Kanino yan?" Tanong ko sa kanya. Lumapit siya sakin kaya umupo ako sa kama. "Ito ang susuotin mo. Ramdamn kung Alic's NIGHT ito!" Bakit ba ang hilig nilang sumigaw? Tumayo naman ako at kinuha ang binigay niyang damit at naghubad sa harapan niya pero half nake lang ha. The red cube dress flowy siya baba ang fit naman siya sa taas. fits my body perfectly. My curves on my body is so visible with dress dress which make it so seductive . "Ikaw lang yata ang babaeng magbenda sa ulo na sexy." I just smile at her. Sinuklayan niya ang buhok ko and put some light make-up dahil hindi na masyadong visible ang nilagay na make-up nila kanina sa mukha ko.  She stared at me kaya napayuko ako. Nahihiya kasi ako. "Why are kept on wearing your contact lense?" Seryoso ang mukha niya at mas nakita kung magkamukha talaga sila ni Urgine. "Because im one of those people who's afraid to show it to everyone." " You should stop caring on what may people think about you." Nakangiti ito sakin habang titig na titig na mga mata ko. I just nod and sigh. "Can i see it?" Nagtatalon niya tanong sakin. Nakaka-amaze siya kaya sinunod ko nalang. Kinuha ko ang violet contact lense ko bago ako kumurap-kurap ang tinignan siya. She held my cheeks at nakita kung na amaze siya sa nakita niya. I have golden brown eye on the right and violet eye color on my left. "s**t lang! Ngayung lang ako nakakita ng ginatong paris ng mata sa personal. Nakakatajot siya pero pag tinitigan mo ng maagi ang ma-iinlove ka!" Sa pagkalakas ng sigaw niya ay biglang bumukas ang pito.an at pumasok sina Jonna. "Bat kaba sumisigaw El-- Alic! Ang mata mo!!!" Si Jonna na naman ang sumigaw kaya binatukan siya ni Reyiel. "Manahimik ka nga! Hindi mo unang beses nakita yan uy chanak ka! Wag kang over." Nag pout naman si Jonna at hinimas himas ang ulong na batukan ni Reyiel. "Hahahah Let's go?" Aya ko sa kanila. Tumango-tango naman sila at isa-isang lumabas sa kwarto at unit ni Charl.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD