Chapter38

2229 Words

Natapos na ang unang semester at sa wakas ay makakapag pahinga na rin ako. Unang araw ng bakasyon ko ay natulog ako buong araw. Sa pangalawang araw ay hinintay kong lumabas ang mga kapatid ko upang maglaro. Patago akong nakipagkita sa kanila sa loob ng bahay ni Ate Alea. “Kamusta kayong dalawa?” naiiyak kong tanong sa kanilang dalawa pagkatapos ko silang yakapin na mahigpit. Umiiyak si Kimberly kaya hindi siya makapagsalita. Si Alexis naman ay pinipigilan niyang umiyak. Tumulo ang luha ko habang tumatawa. “Namiss ko kayong dalawa!” “Ayos lang kami, ate…” huminto siya at nag aalanganin niya akong tinignan. “Bakit, Alexis? Ano ‘yon? Sabihin mo kay ate.” “S-si nanay at si tatay… madalas pong mag away…” nakayuko niyang ani sa akin habang pinaglalaruan niya ang kanyang daliri sa kamay.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD