Hindi ko mapigilan na maging malungkot sa naging trato sa akin ni Senyorito kanina. Ngunit, kailangan kong pigilan dahil alam ko naman ang estado ng relasyon naming dalawa. Isa lang naman akong hamak na katulong at amo ko siya. Wala akong karapatan na kwestyonin siya sa pakikitungo niya sa kin. Pero kahit na akong pang aalo ko sa sarili ko ay walang nagawa. Puros negatibo lamang ang lumalabas sa isipan ko. Hindi ko mapigilang magtampo. Ang sabi ni Richelle ay may pagnanasa sa akin si Senyorito. Sa tingin ko naman talaga ay totoo ‘yon dahil nararamdaman ko na sabik siya sa akin. Hindi ako bulag upang hindi maramdaman ‘yon pero… ano ‘tong kinikilos niya ngayon? Dinala na naman ako ng mga paa ko sa paborito kong puntahan kapag malungkot ako. Ilang araw pa lang kami magkasama ni Senyorito

