Nagising ako sa mainit na halik sa aking labi at sa pisngi. Ang sarap ng tulog ko dahil sa lambot ng sofa na hinihigaan ko kasabay ng malamig na buga ng aircon. Nag adjust pa ang mga mata ko sa liwanag ng halikan akong muli ni Senyorito. “Anong oras na?” tanong ko sa paos na boses. “It’s two in the afternoon…” he answered while his lips were on me. Tumango ako at niyakap niya sa kanyang leeg. Ginantihan ko ang halik niya. Ilang segundo bago niya iaangat ang kanyang mukha. “Aalis lang ako sandali. Sa rancho na ako makikipag pulong para makapag pahinga ka pa.” “Hmm…” tamad kong sagot. Inayos niya ang buhok ko na naipit sa aking leeg bago niya ako tinitigan. “I want you ready for me later, okay? ‘Wag ka ng maglinis,” his seductive smile reached my beating heart. “O-okay…” “I’ll

