Pagbalik ko sa kwarto ng kapatid ko ay natutulog na si nanay sa tabi ni Alexis. Mag aalas dose ng pala ng gabi kaya humiga na din ako sa sofa. Nagising na lang kami ng madaling araw ng may tinurok na gamot kay Alexis. Nakatulog ulit ako at paggising ko ay gising na din si Alexis at kumakain ng mansanas. Mabilis ko siyang nilapitan at niyakap. “Kamusta ang pakiramdam mo?” “Okay lang, ate. Medyo masakit pa ang tiyan ko pero hindi na katulad kahapon.” Napangiti ako. “Mabuti naman…” luminga ako sa paligid. “Nasaan si nanay?” “Kakaalis niya lang ni nanay, ate. Kukuha daw siya ng damit natin at bibili ng iba pang kailangan dito.” Tumango ako. Naghilamos muna ako bago ulit ako makipagkwentuhan sa kapatid ko. Pareho kaming nakaupo sa kanyang kama habang kumakain ng sopas na bigay ng hos

