Huminto ang elevator sa pangalawang palapag. Pagbukas niya ay bumungad sa amin ang walk in closet ni Senyorito. Pag apak namin palabas ay kusa ulit itong nagsarado gaya ng aparador kanina. Namamangha pa rin ako ng hilain ako ni Senyorito papunta sa kanyang banyo. Hinubad niya ang aming damit pagkatapos ay tumapat kami sa shower. Umalis siya sandali upang buksan ang tubig sa bathtub. Habang sinasabon ni Senyorito ang katawan ko ay hindi ko lubos maisip na naibigay ko na kay Senyorito ang pagkabirhen ko. Totoo na ang nangyari. Natatawa na lamang ako kung iisipin ko ang mga salitang sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ako magpapaakit kanino man dahil uunahin ko ang pag aaral ko. Pero heto ako ngayon, nakatayo at nakahubad sa harapan ng lalaking ipinangako sa aking sarili na hinding hi

