Chapter 17

3079 Words

Adi's POV Hanggang ngayon ay hindi pa rin gaanong maiproseso ng utak ko ang mga nalaman ko isang linggo na ang nakakalipas. Kung joke lang sana ito ay dapat tumatawa na ako pero hindi dahil umamin na sa akin mismo si Neymar, ang dating matalik kong kaibigan noon na hindi ko alam na magiging kasabwat pala ni Leigh para sirain ang buhay ko. Kinalimutan ko na ang lahat ng masasaya naming alaala noon ni Neymar. Ngayon ay itinuturing ko na siyang parang hindi ko kilala dahil mas napalapit na siya kay Leigh at alam kong kinalimutan na rin niya ako. Hindi ko alam kung bakit sa isang iglap lang ay biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin at ngayon nga nasusuklam na rin ako sa kanya. Papaano niya ito nagawa sa akin? Ni minsan ba ay hindi niya talaga ako itinuring na kaibigan man lang noon pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD