Adi's POV Pagkatapos akong patahanin ni Ahmed mula sa pag-iyak ko ay muli na kaming bumalik sa upuan namin sa sinehan. Napansin ko kaagad na wala na sina Kyrie at Trina sa inuupuan nila na ipinagtaka ko. "Nasaan na pala sina Kyrie at Trina?" tanong ko kay Ahmed na nakahawak sa isang kamay ko at pinaupo ako nito sa inuupuan nila kanina ni Trina. Nang tumingin ako saglit sa pwesto nina Ahnwar at Ahzik ay pareho lang silang tahimik habang nakatutok ang mga mata nila sa pinapanood nila. Hindi nila kami magawang tignan man lang ni Ahmed at hindi ko alam kung bakit. "I told them to leave. They're ruining our day." sagot ni Ahmed saka nito inabot sa akin ang popcorn at drinks na binili namin kanina bago pumasok dito sa loob ng sinehan. Tinanggap ko naman ito at hindi ko mapigilang mapangiti

