Adi's POV Ngayon ay hindi ko magawang tignan ng diretso si Ahmed na kanina pa nakatitig sa akin. Masyado akong nai-intimidate sa kanya sa tuwing nakakasama ko siya dahil siya iyong tipo ng lalake na parang ang hirap abutin o pakisamahan hindi gaya nina Ahnwar at Ahzik na madali kong makausap ng kaswal at normal. Maaga pa lang ay dinala na ako ni Ahmed dito sa isang Amusement Park. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang niya akong dinala rito gayong may pasok pa ito sa trabaho niya pero mukhang nagleave siya ng isang araw dahil sina Ahnwar at Ahzik ay maaga ring umalis kanina para pumasok sa trabaho nila. Nasakyan na namin ni Ahmed ang lahat ng rides dito sa Amusement Park at ano pa ba ang aasahan kong iaasal niya? Hindi na talaga bago sa kanya ang pagiging tahimik niyang tao. "Do you en

