Adi's POV Natuloy ang family date naming apat at nagpapasalamat naman ako dahil hindi nag-aaway ang triplets ngayong araw na ito. Behave lang sila habang nililibot namin ang iba't-ibang pasyalan sa Maynila. Hindi rin mawawala kay Blair ang pag-anyaya niya sa Jollibee na hindi pupwedeng tanggihan ng mga Dada niya. Hindi pa man totally natatanggap nina Ahnwar at Ahzik na boyfriend ko na rin ang kapatid nilang si Ahmed ay nakikita ko namang pilit nilang iniintindi ang sitwasyon namin ngayon. Kahit ano pa man kasing gawin nila ay ama pa rin ni Ahmed si Blair at may karapatan talaga ito sa amin, idagdag pang mahal na rin ako ng kapatid nila katulad rin ng nararamdaman nila para sa akin. Hindi na mabitawan ni Ahmed si Blair at nang ipinasa ito kanina ni Ahzik sa kanya ay hindi na niya hinayaa

