Throwback "Ohh shitt!!! Luke What's this? Gulat niyang tanong ng iabot nito sa kanya ang isang maliit na velvet box. Nasa hotel room na sila nun ng beach resort sa Palawan, pagkatapos ng dinner date treat surprise nito sa kanya sa buhanginan. "Open it honey. Happy Anniversary" He told her looking straight into her eyes with so much tenderness. Tinapunan muna niya ito ng tingin at bahagyang nginitian saka binuksan ang velvet box. Ganun na lang ang pagkamangha niya ng bumungad sa paningin niya ang isang necklace na may heart shape pendant at gawa iyon sa diamond. Napatutop tuloy siya sa bibig dahil sa nararamdamang overwhelmed hindi siya yung girlfriend na maluho o mahilig sa mamahaling regalo dahil para sa kanya ang mas importante ay yung nararamdaman nila sa isa't isa, she loved Luke

