Chapter 1

1704 Words
Throwback 7 years ago Empress was sitting in front of her mom's casket it was her last night dahil bukas ay ihahatid na nila ito sa huling hantungan at sa huling pagkakataon magpapaalam na siya dito ng tuluyan. Masakit., Oo sobrang sakit na yung kaisa isang pamilyang meron siya ay nawala na at iniwan na siya. She is barely 18 years old now at nagttrabaho habang nag aaral, self supporting ika nga. Yung nanay naman niya ay isang prostitute ito ang ibinuhay nito sa kanya, actually nag Japan ito dati noong dalaga pa ito pero magmula ng mabuntis ito sa kanya ay tumigil na ito sa pagiging entertainer at sa pinas na lang piniling manatili dahil sa kanya. Her mom inspite of being a slut is a very loving and caring mother. Lagi nitong sinasabi sa kanya na hindi nito pinagsisihang dumating siya sa buhay nito dahil siya daw ang kumumpleto sa pagiging babae nito. Her father by the way sa pagkakaalam niya ay isang Irish national kaya namana niya daw dito ayon sa mama niya ang kanyang mga mata at kutis, even ang buhok niya ay natural blonde and wavy. Maraming nagsasabi noon sa kanya nung bata pa siya na sigurado daw marami siyang papaiyaking lalaki dahil sa angkin niyang alindog, but when she grows older naging contradict ang nangyari dahil itinanim niya sa isip na hinding hindi siya tutulad sa mama niyang maraming lalaking inuuwi sa bahay nila na  halos ay gabi gabi pa. Maraming taong mapanghusga lalo na sa lipunang ginagalawan niya, lagi na ay laman ng tsismis sa umaga ang buhay nilang mag ina. Nakatira silang mag ina sa isang maliit na apartment malapit sa Pasig River, umuupa sila doon at halos ay dikit dikit ang mga bahay na naroon. Masikip at napakainit pa lalo pag panahon ng summer. Itinaguyod siya nito ng mag isa, kung ano anong trabaho ang pinapasok nito para lang makakain silang mag ina. And when she reach the age of 17 she started to look for a job to help her at dahil likas na maganda siya ay maraming agent sa iba't ibang modelling agency ang kumukuha sa kanya para maging modelo. At first nahihiya siya dahil likas naman talaga siyang mahiyain at hindi mahilig sa socialisation but when she realise na hindi na bumabata ang mama niya at kailangan na niya itong patigilin sa pagpuputa kaya naman kahit nag aalangan ay tinaggap niya ang offer ng isang modelling agency para maging talent at model nila. Napatigil na din muna siya sa pag aaral dahil kabi kabila na ang photo shoot at rampa sa iba't ibang lugar, minsan pa nga ay sumasali pa siya sa mga beauty contest para dagdag raket upang makatulong sa mama nya. She was a hardworking daughter though and when she reach the age of 18 ay mas lalo pa siyang nagpursige dahil she was planning to go back to school. Pero dumating ang trahedyang magpapabago sa buhay niya. One day habang nasa photo shoot siya para sa isang endorsement ay bigla na lang may tumawag sa kanya. Kinabahan siya noon kasi ang sabi ay emergency daw yun and so  immediately nag pack up sila. She answered the call. "Hello sino po ito? Tanong ni Empress sa kabilang linya. "Ikaw ba si Miss Empress Soledad? Tanong ng lalaki sa kabilang linya. "O-opo b-bakit po? Tanong  niya ulit dito kinakabahan na talaga siya. "Puntahan mo ang nanay mo dito sa hospital ngayon na iha". Biglang bulalas ng kausap niya sa kabilang linya. Magtatanong pa sana siya pagkatapos nitong sabihin kung saang hospital pero ibinaba na nito ang telepono. She went out immediately after at halos liparin ang labas ng gusali para puntahan ang hospital na sinabi ng kausap niyang lalaki kanina. Pag dating nga doon ay isang malamig na bangkay na ng nanay niya ang  nadatnan niya, itinuro siya nung nasa information sa isang kwarto at doon she saw her mama lying peacefully in the hospital bed. Mayroon itong malaking sugat sa noo sign of the accident na kinasangkutan nito. Ang nanay niya ay isa nang napakalamig na bangkay. She slowly walk towards her at yung tulo ng luha niya ay parang gripo na umaagos sa mga mata niya. She doesn't know how to explain the pain she felt that moment basta ang alam niya ay parang pinipiga ang puso niya. Ang sakit. Sobrang sakit na makita ang kaisa isang taong nagmahal ng sobra sa kanya. Si mama Gloria niya na walang ibang ginawa kundi mahalin at alagaan siya. She was her everything since wala naman siyang nakagisnang ama. "Ma!!!! Ma gising na uwi tayo!! She exclaimed habang pilit itong niyuyogyog pero bakit ayaw nitong bumangon? Tanong niya sa isip. "Ma!!! Wag mo naman gawin sa akin to, please gising na kakain tayo sa labas kasi binayaran na ako ng agency." Parang tangang sambit pa niya habang patuloy sa pagluha. "Mama!!!! Bakit mo ako iniwan? Ang daya daya mo naman eh.". Himutok pa niya at halos ay pinagtitinginan na siya ng mga taong naroon din sa loob ng kwartong iyon because it was an emergency room. Iisa lang ang makikita sa mga mata ng mga miron na iyon, awa para sa kanya. "Maaa!!!!! Ahhhhhh."... Hagulhol ni Empress at umalingaw ngaw ito sa buong silid simbulo ng sakit sa damdaming nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Maya maya pa habang wala pa rin siyang tigil sa kaiiyak ay dumating naman ang mga tiyahin niyang nakababatang kapatid ng mama niya. Sina tiya Nelly at tiya Fatima. Sila yung mga kapatid ni mama Gloria niya na pinag aral at sinuportahan nito noon na siya ring naging dahilan kung bakit ito nasadlak sa pag popokpok o prostitution. Sila na pinag aral ng mama niya noon at ngayon nga ay magaganda na ang buhay pero kahit minsan hindi man lang inalala ng mga ito ang mama niya dahil ang laging rason ng mga ito ay mayroon na daw ito sari sariling pamilya. Pero ang mama niya kahit minsan walang sinabing masama sa mga ito. Minsan she remembered high school siya nun at nagkasakit ang mama niya kaya hindi ito makapagtrabaho, pumapasok kasi ito bilang taga bantay sa isang videoke bar at dahil nag aalala ito kung saan ito kukuha ng allowance niya ay naglakas loob itong pumunta sa tiyahin niya para sana makahiram ng pera pero imbes na bigyan ito ng tiyahin niyang si Fatima ay tinalakan pa nito ang kaawa awa niyang mama. Narinig niya lahat ng masasakit na salita ng tiyahin niya patungkol sa ina na kesyo daw inuubos nito ang pera sa iba't ibang lalaki at hindi daw ito marunong magtabi ng pang emergency lahat yun alam niyang dinibdib ni mama Gloria. Umuwi silang bigo dahil ni hindi man lang sila pinakain ng walang puso niyang tiyahin. "Mama, wag ka na lang po mag abala na dumilehensya ng pang baon ko, hindi nalang po muna ako papasok para alagaan muna kita habang may sakit ka pa." Tugon niya noon sa inang halatang nahihirapan na. Humpak na kasi ang pisngi nito tanda ng hirap at pagod sa kakakayod. "Hindi anak papasok ka ako ang bahala." Tugon nito at tipid siyang nginitian. Kung maari ay ayaw siya nitong lumiban sa klase dahil ang rason nito ay gusto daw nitong makatapos siya ng pag aaral. Her mom was a very selfless woman at doon niya ito mas hinangaan. Madalas makita niya itong umiiyak pero pag lumalapit siya ay agad agad nitong pinupunasan ang luha sa mga mata. Ang ginagawa niya ay agad niya itong yayakapin para aluin. "Anak, mahal na mahal ka ni mama kaya kailangan maging matapang ka Empress anak, maraming darating na pagsubok sa buhay mo na kailangan mong malampasan at wag na wag kang gagaya sa akin ha, ayokong makagisnan mo ang pait at lupit ng mundong pinili ko anak. Kaya mag aaral kang mabuti dahil iyon lang pwede kong iwan para sayo." She looked at her and nodded sabay yakap niya dito ng mahigpit. *** Bumalik sa kasalukuyan ang isip niya ng tapikin siya ng tiyahin niyang si Fatima. "Magpakatatag ka Empress wala na ang mama mo." Saad nito na niyakap pa siya nakiyakap na rin siya ng isa niyang tiyahin at mas lalo siyang naiyak dahil sa sama din ng loob para sa mga ito. Pero pinili niyang manahimik na lang bilang respeto sa inang nakaburol. Kung kailan kasi wala na ang mama niya ay saka ang mga ito nagpapakita ng concern para sa kanilang mag ina. ***** "Paano na yang si Empress ate anong balak mo kukunin mo ba siya sa bahay mo?" Narinig niyang tanong ng tita Nelly niya sa kapatid nitong si Fatima." "Hindi siya pwede sa bahay alam mo namang nag uwi ng babae si Darwin." Sagot nito patungkol sa anak nito. Naririnig niya lahat ang usapan ng mga ito mula sa maliit na kusina. Doon kasi ibinurol ang  nanay  niya sa apartment nila. Pumasok siya doon para uminom sana ng tubig when she heard that. Hinawi ni Empress ang kurtina na tumatabing doon, hindi na niya matiis ang naririnig mula sa mga ito. "Wag ho ninyo akong alalahanin tiya, kaya ko  na po ang sarili ko." She said coldly at saka tinalikuran ang mga ito para bumalik sa tabi  ng kabaong ng mama niya. Ngayong wala na ang mama niya kailangang maging malakas at matapang siya. At hindi niya kakailanganin ang mga taong walang malasakit para sa kanya. She will live her life alone now but the memories of her mother will always be in her heart forever. Pagkatapos ng libing mas lalong naramdaman ni Empress ang mag isa, halos  hindi na siya makapunta sa mga commitments niya dahil nagmumukmok lang siya at laging umiiyak. Miss na miss niya ang mama niya pero ano pa nga ba ang magagawa niya. Lumipas pa ang mga araw buwan at isang taon and fortunately unti unti na siyang nakakabangon she was living all alone, lumipat na siya ng apartment sa medyo mas matinong environment dun sa Quezon city, although minsan ay naalalala pa rin niya ang ina pero pinilit niyang mag focus sa goal niya at yun ay ang makapag aral. And because of her hard work napansin siya ng isang sikat na modelling agency at kinuhang contract model ng mga ito. Now Empress Soledad is the new face of Harrison Modelling Incorporated. Isa na siyang sikat at kilalang modelo at dahil malaki na ang kita niya ay nag decide siyang bumalik sa pag aaral para ituloy ang pangarap nila ng mama Gloria niya. *abangan ang next chapter,*❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD