Chapter 5

1589 Words
"Tita, ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ko kay Tita kasama niya pa ang mga pamangkin ko na 7 years old ang pinakamatanda. "Kailangan kasi namin ng matutuluyan hinawalay na kami ng Tiyo." sabi nito habang nahihiya'ng tumingin sa akin. "Ha? Bakit sa akin kayo Lumapit? Wala akong sariling bahay Tita." iritadong sabi ko. Nasa bunutan ko nalang ang sarili ko dahil naawa ako sa kanila pati na rin sa mga pamangkin ko. "Wala din naman kaming matutuluyan." nahihiyang sabi nito. "May tatawagan lang ako."Sabi ko at tinawagan si Romulus na sinagot naman agad ang tawag nasa ibang bansa kasi ito inaasikaso ang trabaho. " Are you home already? "tanong agad nito. " Hindi pa, Gab. "nahihiyang tawag ko sa kanya. "What is it?" tanong nito. "Kasi yung Tita ko walang matutuluyan, pwede bang doon muna siya sa bahay mo? Wag ka magaalala maghahanap ako ng murang apartment para sa kanila." mabilis na sabi ko at umaasang papayag siya. Napapikit naman ako ng marinig ko ang buntong hininga niya. "Kung okay lang naman." "Grabe hindi ito bahay mansyon ito." sabi ni Tita habang nililibot ang mata sa paligid ng boung bahay. Buhat buhat nito si Nene na bunsong anak nito. Ang sumunod naman ay si Austin na tatlong taon pa lang at si Ivan na pitong taon. "Tita, dito daw po kayo tumuloy." binuksan ko pa ang kwarto na para sa kanilang lahat. "Tita Vana, may aso." Sigaw ni Ivan ng makita si Xena at Ace na naghahabulan. "Tita!" saway ko sa kanyan na pinapagalitan ang isang katulong dahil hindi nito gusto ang pagkain na nasa hapag."Wag kana magreklamo parehas lang tayong nakikitira. Nasa Tabi ko naman si Ivan at Austin na tinutulungan kong kumain dahil hindi ito sanay na gumamit ng tinidor. Pagkatapos naming kumain ay hinatid ko na sila sa Kwarto nila. "Tita, sana naman wala kang gawing masama." paalala ko sa kanya dahil baka kung ano nalang ang gawin nito. Sumama naman sa akin si Austin at Ivan sa kwarto ng aso para makipaglaro. "Ma'am Vana, sagutin niyo daw po ang tawag ni Sir Romulus." Sabi ng isang guard na nasa may pinto ng opisina nito. Hindi na ako nagtaka ng may bodyguard na sa labas ng opisina ni Romulus dahil pumayag lang talaga ito para sa akin. "So, How are you?" tanong niya. "Eto, kasama ko yung dalawa kong pamangkin sa kwarto nila Xena at Ace." sabi ko habang nakatingin kala Austin at Ivan. "Hmm, I miss you." natahimik naman ako sa sinabi niya at feeling ko ay namumula din ako ngayon. "Don't you miss me?" he uses a different voice this time parang nagtatampo sound. "I miss you too, sana nandito ka." "I will be home after this." "Sige na, magpahinga kana." "Tita, papasok na ako wag ka naman po'ng utos ng utos sa mga tao dito." pinaningkitan ko sila ng mata. "Naku, hindi magtitingin tingin lang ako sana dito." sabi nito. "Maghahanap na din ako ng murang mauupahan para sa inyo." sabi ko at tuluyan umalis para pumasok. "Baka naman may plano yang Tita mo Vana." Si Jenie sinabi ko kasi sa kanyang nasa bahay ni Romulus dito. "Mukhang wala naman, kasama niya rin yung mga pamangkin ko, hindi naman niya siguro isasama sa kapahamakan ang anak niya." Naghahanap kami ngayon ng apartment ngayon para kay Tita nahihiya na kasi ako sa kay Romulus at mga kasamabahay doon kasi utos nang utos si Tita sa kanila. Pauwi na ako nakahanap na kami ng may medyo kalakihang apartment para kay Tita at sa mga pamangkin ko. Pagdating ko sa mansyon ay wala si Tita pero nandito ang mga anak niya. Nilalaro nito ang mga aso. "Nasaan si Tita?" tanong ko sa dalawa. "Hindi po namin alam Tita, Si Nene po Iniwan niya din sa kwarto." Umalis agad ako doon at pumunta sa kwartong tinutuluyan nila Tita. Nandoon si Nene may kasamang katulong habang umiiyak. "Ako na ang magaalaga sa bata, pasensya na." hingi ko ng pasensya dahil hindi naman niya gawain ang magalaga ng bata. "Wala po yun Maam." sabi nito at umalis na. Binuhat ko ang bata at inilagay ko sa aking braso. Habang ang isang kamay ko naman ay pinangamit ko sa pagtimpla ng gatas nito. "Paubos na ang gatas mo, Nene baka bumibili si Tita." pagkakausap ko sa batang malapit ng tumigil sa pag iyak. Tumigil ito sa pagiiyak dahil nagdede na ito kaya lumabas ako para tingnan Yung dalawa. "Gustpo niyo mag-swimmimg?" tanong ko sa Dalawa kaya napatayo naman agad sila at sumunod sa akin. Pumunta Muna kami sa Kwarto nila para kumuha ng towel at bumama na para pumunta sa swimming pool. "Diyan lang kayo sa hagdanan, walang salbabida dito." paalala ko sa kanila at naupo sa isang pang-beach na upuan na hindi ko alam ang tawag. "Tita, saan ka nangaling?" tanong ko agad kay Tita na kadadating pa lang. Alas-otso na pero ka-da-dating pa lang niya. "Bumili ng gatas tapos dumaan ako doon sa kumare ko para maningil." sabi nito. "Tulog na ang mga bata, ikaw na ang bahala sa kanila." Iniwan ko siya doon at dinaanan muna si Xena at Ace kung tulog na din ba. Buti nalang nakipaglaro ito sa dalawang bata kaya nakatulog na din siguro. Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ko sa bag ko ang phone ko para tawagan si Romulus para ibalitang nakahanap na ako ng apartment. "Don't you f*****g talk back to me! Thats my decision!" nailayo ko naman agad ang phone ko sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw niya."You're f*****g fired you f*****g bastard!" Natahimik siya rinig na rinig ko ang paghinga niya. Nakarinig din ako ng paglalakad at pagbukas ng pinto. "Hello." Sabi ko. "Okay ka na?" "Yeah, I'm sorry, I'm the boss but he wants to do what he wants?" mukhang Galit nga ito."He wants us to use force to get the deal." "Mabuti nalang hindi ka nakinig,tumawag ako kasi gusto kong malaman mo na nakakita na ako ng apartment para sa Tita ko at anak niya." "Do you still have money?" mahina ang boses nito para bang ayaw niya akong maoffend sa sasabihin niya. "Oo, ang dami mo kayang pabaon sa akin." "Nana Selda, patingin tingin naman po kay Tita late na po kasi akong makakauwi dahil nagiintern po kasi kami ngayon." magalang na utos ko. "Nandito siya sa kusina nagluto siya para sa lahat." "Sige po, Salamat po." Pinatay ko ang tawag at bumalika na sa ginagawa ko pag-proofread nalang ang ginagawa ko aayusin ko na para hindi ko na ulitin. Excited na din akong umuwi dahil uuwi na din ngayon si Romulus at aalis na sila Tita Kinabukasan. Pagdating ko sa mansyon ay nagtataka ako dahil may mga pulis doon.Akala ko pa ay hindi ako papasukin pero pinapasok ako dahil kilala ako ng mga tauhan ni Romulus. Kinakabahan ako dahil baka may nangyare nang masama kala Tita o sa mga pamangkin ko. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nandoon si Tita umiiyak habang may posas ang mga kamay.Nagsimula na itong umiyak dahil nakita ako. "Vana, tulungan mo ako." pagmamakaawa nito pero hindi ko pinansin dahil may pakiramdam na ako sa nangyayare.Tumingin ako kay Romulus na kinakausap ang tauhan niya at may mga tao ding nakaupo sa sahig habang nakatali ang mga kamay. Napatingin naman ako kay Nana Selda na walang malay sa isang sofa.Ang daming walang malay sa kanila.Tumingin naman ako sa kusina at meron din doong walang mga malay na katulong. "Tita, anong ginawa mo?" sigaw ko kay Tita na ngayon ay mas lumakas pa ang iyak. "Nasaan ang mga bata? Jusko, naman Tita nakakahiya kay Romulus!" "Nagpagutusan lang kami, kailangan ko kasi ng pera."pagpapaliwanag ni Tita. Lumapit naman si Romulus sa amin. "Go to your room, I know you're tired, I'll take care of it." He whispered to me. Tumango ako sa kanya para tingnan ang mga pamangkin ko.Tulog na ang bata. Ano nang mangyayare sa kanila kung ikukulong ang Nanay nila.Inilagay ko ang bag ko sa upuan at tumabi sa mga pamangkin ko. Nagising ako ng naramdaman ko na may nakatingin sa akin. Iminulat ko ang aking mata at si Romulus ang nakita ko. "Sorry, did I wake you up?" mahinang tanong niya. Umiling naman ako at inayos ko ang kumot ng mga pamangkin ko buti nalang wala silang alam sa nangyare. "Ipapakulong mo ba si Tita?" tanong ko. Palabas na kami sa loob ng kwarto nila Tita.Wala na ang mga tao at yung mga kasama ni Tita na mga magnanakaw. Hinahanap naman ng mata ko si Tita "I don't know." Hindi siya Sigurado. Nahihiya naman akong magrequest sa kanya dahil sa kahihiyang ginawa ni Tita. "You want to say something?" Umiling lang ako dahil nahihiya talaga ako.Pumunta naman kaming dalawa sa kwarto ko. "Can I sleep here?" "Oo, bahay mo naman ito ha."sagot ko sa kanya. Naupo naman siya sa sofa at tinggal ang kanyang sapatos at ang kanyang damit. Tanging Boxer at Sando nalang ang sout niya. Nagpalit din ako ng damit na pangtulog. Medyo naiinitan na kasi ako sa sout kong long-sleeved at skirt. Paglabas ko ng walk in closet ay nakahiga na siya sa kama ko.Lumapit ko naman ako sa kama at dahan dahan akong naupo. Nang makahiga ako ay pumulupot na agad ang kanyang kamay sa akin at ang kanyang isang kamay pumunta na sa paboritong pwesto nito. Sa isang dibdib ko. "Goodnight." bulong niya at hinalikan ang buhok ko. "Goodnight."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD